Default Thumbnail

Motor ‘striker’ swak sa selda

June 30, 2023 Jonjon Reyes 425 views

SWAK sa selda ng Manila Police District-Police Station 10 ang isang 38-anyos na binata dahil sa napurnadang pagnanakaw ng motorsiklo sa Pandacan, Manila noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si ‘Topper,” walang trabaho at tubong Las Piñas City.

Ayon sa report, naaktuhan si Topper na tangay-tangay ang motorsiklo ng biktimang si Ricardo, 37, call center agent, residente ng Barangay 847, Pandacan, Manila kahapon ng tanghali sa Industria Street, Pandacan Manila.

Dahil dito, nahaharap sa kasong carnapping ang suspek.

Desidido ang biktima na magsampa ng reklamo laban kay Topper.

Base sa report ni Police Master Sargent Voltaire Esguerra kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Manila Police District- Pandacan Police Station 10, bandang 11:30 ng tanghali nang maaktuhan ni Ricardo ang suspek na hatak hatak ang kanyang Mio Sporty Motorcycle sa tapat ng kanilang bahay.

Dahil dito, binato niya ng dala niyang bag ang suspek at saka humingi ng tulong sa mga nakatambay sa lugar. Doon na natimbog ang suspek at nabawi ang kanyang motorsiklo.

AUTHOR PROFILE