Cleanup CLEANUP DRIVE — Personal na tinanggap ni MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon (kanan) ang isang Quick Project Material mula sa kinatawan ng AFSLAI Bonifacio na si Ellen Jocelyn Brazil matapos magsagawa ng clean up drive sa barangay 128 sa Balut, Tondo noong Biyernes. Kuha ni JON-JON C. REYES

Pulis, barangay nagtulong vs krimen, droga

July 1, 2023 Jonjon Reyes 371 views

MULING binuhay ang ugnayan ng kapulisan at barangay sa pagsugpo sa droga at karahasan sa Barangay 128, New Paradise Height, Balut, Tondo, Manila Biyernes ng umaga.

Pinamunuan ni Manila Police District Director Police Brig. Gen. Andre Dizon, kasama ang AFSLAI Bonifacio branch na pinangunahan ni Ellen Jocelyn Brazil, ang turnover ng Quick Project Materials na sinundan ng clean up drive sa naturang barangay.

Nakiisa sa cleanup drive at turnover ceremony ang mga barangay officials at si Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, commander ng MPD Station-1.

Layunin ng tinaguriang “The Game Changer General” na si MPD Chief Police Brig. Gen. Dizon ang ugnayan ng barangay at pulis upang masugpo ang mga krimen tulad ng droga at ang lumalalang “riot” ng magkalabang grupo ng mga kabataan sa nasabing lugar.

Lubos ang pasasalamat ng heneral sa mga barangay chairmen na dumalo sa okasyon. Dumalo din sa pagtitipon ang ibat-ibang MPD units sa pamumuno ni P/Col. Julius Anonuevo, hepe ng District Mobile Force Battalion.

Nagbigay-pugay din si Brazil sa mga residente ng naturang lugar matapos ang turnover at clean up drive.

AUTHOR PROFILE