Antipolo City Mayor Jun Ynares

MOA SIGNING CEREMONY

November 19, 2023 People's Tonight 158 views

Nilagdaan nina Antipolo City Mayor Jun Ynares (pangalawa mula sa kanan) at Junias M. Eusebio, Vice President for Operations ng SM Supermalls (pangalawa mula sa kaliwa) ang isang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at SM Supermalls para sa pagtatatag ng Government Service Express sa SM Cherry Antipolo. Ang GSE ang magsisilbing karagdagang satellite office ng pamahalaang lungsod para sa mamamayan nito sa lower Antipolo.

“Ang araw na ito patunay ng mas magandang samahan ng ating gobyerno at pribadong sektor para maisulong ang good governance at mas mapabuti at mas mapalapit ang public service sa Antipolo,” ayon kay Mayor Ynares.

Sinaksihan nina G. John Brian M. Tarnate (Asst. Vice President Central B Operations) at Atty. Cedrick Justice U. Capiral (City Legal Officer) ang paglagda sa memorandum of agreement.

AUTHOR PROFILE