‘MMK’ inaabangan na, Charo gusto ring gumanap

April 15, 2025 Aster Amoyo 88 views

Charo1MARAMING followers ng dating drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hosted by award-winning actress-host na si Charo Santos-Concio on ABS-CBN ang natuwa nang malaman nila na muling magbabalik sa ere ang programa on a very limited series (13 weeks or one season) on iWant TFC starting April 24 and on April 26 sa A2Z, Kapamilya Online (Live) at Kapamilya Channel.

Ang unang comeback episode ng MMK ay ang kuwento ng buhay ng “The Voice USA” Season 26 grand winner na si Sofronio Vasquez na gagampanan ng award-winning actor na si Elijah Canlas kasama si Romnick Sarment na siyang gaganap na papel ng ama ni Sofronio.

Full circle ang pakiramdam ni Elijah sa pagbabalik sa ere ng MMK dahil ang huli niyang acting job on MMK bago ito nawala sa ere ay hindi na-air at all dahil sa pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020.

The young actor is grateful na siya ang napili para gumanap sa papel ni Sofronio Vasquez. Bukod siyempre sa script, Elijah researched on Sofronio at pinanood din niya ang mga existing videos nito nung ito’y sumali sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime” maging ang pagsali nito sa “The Voice USA” Season 26 kung saan siya ang tinanghal na grand winner.

Samantala, willing ang actress at host ng MMK na si Charo Santos na gumanap in one of the episodes ng programa na sobra din umano niya na-miss matapos itong magpaalam sa ere nung December 10, 2022.

Ang MMK ng ABS-CBN ay nagsimulang um-ere nung May 15, 1991 unit it took its final vow on December 10, 2022.

Ang MMK ay hango sa classic hit song of the same title na nilapatan ng Tagalog lyrics ni Constancio de Guzman nung dekada sisenta na ang Spanish version ay pinamagatang “Dulce Princesa” recorded by a Filipino artist na si Guillermo Gomez Rivera in 1960 na naging bahagi ng kanyang album na “Nostalgia Filipina”.

Ang awiting “Maalaala Mo Kaya” was recorded by various artists tulad ng Queen of Songs na si Pilita Corrales, The New Minstrels, Eva Eugenio, Diomedes Maturan, Ryan Cayabyab, among others.

Para sa drama anthology na “Maalaala Mo Kaya,” the theme song was recorded una ng singer na si Dulce na sinundan nina Carol Banawa at JM Yosures.

Anak ni Dimples full-fledged pilot na sa Australia

PROUD parents ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee sa pagtatapos ng kanilang panganay na anak and only girl na si Callie Romana Ahmee ng Aviation Management sa Southern Cross University in Australia.

Christiana Amanda Lauren Romana Ahmee ang full name ni Callie. Bago pa man siya grumadweyt ay pumasa na siya ng exam sa pagiging private pilot nung 2022 and the following year, 2023 bilang commercial pilot.

Before the Holy Week ay nagtungo ang mag-anak sa Australia para dumalo sa graduation ni Callie na isa nang full-fledged pilot. Nasubukan din ng pamilya ni Callie na isakay ang kanyang parents at younger siblings sa eroplano na siya ang piloto kaya ganoon na lamang ka-proud ang mag-asawang Boyet at Dimples sa kanilang panganay now a licensed pilot.

Since kaga-graduate pa lamang ni Callie, ito ang magde-decide kung ito’y sa Australia maga-apply bilang pilot o rito sa Pilipinas.

Bukod kay Callie, ang mag-asawang Boyet at Dimples ay may dalawa pang younger children, sina Alonzo Romeo (10) at Elio Juan Manolo (2).

Nikki nagpapasalamat sa mga doctor dahil sa anak

NikkiNikki1SOBRANG nagpapasalamat ang singer-actress-host at dating commercial model na si Nikki Gil-Albert sa medical doctors and staff who attended to her daughter na si Maddie (3) nung ito’y ma-hospitalize matapos ma-diagnose sa isang rare disease, ang Kawasaki disease na may kinalaman sa sakit sa puso ng mga bata. Nagpapasalamat din ang singer-actress sa kanyang pamilya at mga kaibigan na nagpaabot ng dasal for her daughter at higit sa lahat sa Diyos for her daughter’s healing.

Si Maddie ay second and youngest sa dalawang anak ni Nikki and husband BJ Albert. Ang kanilang panganay na anak na si Finn ay 7 years old.

Ang mag-asawang Nikki at BJ ay ikinasal nung November 2015 sa sa garden ng Sta. Elena Golf & Country Club in Laguna nung November 2015 at sila’y nabiyayaan ng dalawang anak – sina Finn at Maddie.

Magmula nang mg-asawa si Nikki, she took the backseat ng kanyang showbiz career para harapin ang kanyang buhay may asawa.

Nikki was discovered matapos ang kanyang hit TV commercial ng Coca-Cola.

Barbie at David may special bond

BarbieBarbie1IT seems na may special bond na sa pagitan ng BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco dahil dumalo mismo si Barbie sa premiere night ng bagong movie ni kanyang ka-loveteam, ang “Samahan ng mga Makasalanan” na pinamahalaan ni Benedict Mique kahit hindi siya kasama sa pelikula na sobra namang in-appreciate ng tsinitong Kapuso actor at entrepreneur.

Looking forward naman ang BarDa fans sa muling pagtatambal sa pelikula o sa TV series nina Barbie at David.

Hindi naman ikinakaila ni David that he cares so much for Barbie na single na ngayon at hiwalay na sa kanyang ex-boyfriend na si Jak Roberto na naging kasintahan niya sa loob ng pitong taon. Pero hinahayaan niya munang mag-heal ang Kapuso actress dulot ng kanyang recent break-up. Hiwalay na rin si David sa kanyang huling girlfriend which make them both single ngayon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE