Jolina

Mister ni Jolens nagpapagaling

March 14, 2024 Vinia Vivar 95 views

Nagpapagaling ang Rivermaya member at mister ni Jolina Magdangal na si Mark Escueta mula sa aksidenteng natamo sa pagmomotorsiklo.

Ipinost ng musikero sa Facebook ang mga larawan niya habang nasa ospital at ikinuwento ang tinamong aksidente.

“Ako ang hari ng saklay! Alas, the unfortunate has happened. Sunday, around 11:30am, I was rear ended by a motorcycle about 1km from home,” simula ni Mark.

Bunga nito ay nagkaroon siya ng injuries na humantong nga sa ospital.

“Small fracture on my right knee, and 1 fractured rib. Injuries from me hitting the ground,” aniya.

Bagama’t nawasak ang kanyang motorbike ay nagpasalamat si Mark na wala namang malalang nangyari sa kanya.

Nagpasalamat si Mark kay Jolens at sa kanyang mga anak sa pag-aalaga sa kanya. Magpapahinga muna siya for a few weeks at humingi ng dasal for his full recovery.

AUTHOR PROFILE