Vargas

Alfred nare-recharge sa bunsong anak

March 14, 2024 Vinia Vivar 98 views

Dahil sa bagong baby nila ng misis na si Yasmine Espiritu, aminado si Alfred Vargas na parang na-recharge ang kanyang energy at nagkaroon ng bagong inspirasyon.

Matatandaang isinilang ni Yasmine ang kanilang pang-apat na anak na si Aurora Sofia noong Dec. 26, 2023.

“Ang saya kasi tuwing natatapos ang araw ko, super pagod ako pero hindi ako stressed. ‘Yung pagod ko is yung pagod na masaya. Tuluy-tuloy lang ang serbisyo sa district 5, QC habang may bago kaming baby, si Aurora Sofia.

“Siguro nga siya talaga nagbibigay inspiration at new-found energy ko lately. Ang sarap maging tatay at lalo akong na-excite sa buhay ko in general dahil sa kanya.

“Swerte rin kasi ako sa misis kong si Yasmine na super hands-on sa pag- alaga sa amin sa bahay at mga masisipag at passionate kong staff sa office kaya marami ako nagagawa at naa-accomplish both in my personal and public service life,” pahayag ng aktor at konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Alfred na wala na si Jaclyn Jose na nakasama niya sa pelikulang Pieta.

“Super nagulat ako. Tumindig ang balahibo ko when I heard the sudden news over the phone. ’Di ako makapaniwala. Super nakakalungkot. Parang kailan lang ay nagshooting kami for Pieta at super okay pa siya nu’n. Wala akong nakitang karamdaman niya.

“Hindi talaga expected itong nangyari sa kanya. I am eternally grateful to Ms Jane dahil sa mga naituro niya sakin at experiences ko with her. We lost a pillar of Philippine cinema too soon,” saad ni Konsi.

AUTHOR PROFILE