Van

Misis ni Vandolph hinahanap ang tunay na ama

January 27, 2022 Aster Amoyo 4343 views

HINDI ikinakaila ng 37-year-old actor-comedian at politician na si Vandolph Lacsamana Quizon na nag-iwan ng malaking void sa kanyang buhay ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama, ang comedy king na si Dolphy who died on July 10, 2012. He admitted to us that he was his dad’s favorite son, being the youngest among his sons. Ang youngest ay ang half-sister niyang si Zia (Dolphy’s daughter with singer-actress Zsa Zsa Padilla).

Since birth, Vandolph was always with his father. Naputol lamang ito nang magkahiwalay ang kanyang ama at inang si Alma Moreno in 1989 although regular pa rin sila nagkikita kahit hindi na magkasama sa isang bahay.

Kahit si Zsa Zsa na ang partner noon ni Dolphy, the comedy king made it a point na regular niyang nakakasama ang kanyang mga anak (sa iba’t ibang babae) tuwing araw ng Linggo at sa iba’t ibang espesyal na okasyon including his birthday, Christmas and New Year. Dolphy never neglected his duties as father to his 18 children.

Vandolph admits na nakaranas siya ng traumatic experience when he met a vehicular accident in 2001 with his girlfriend then na si Ishi. It was unfortunate that he lost his girlfriend habang milagro naman siyang nabuhay after being dead for one minute. He was only 16 then and not matured enough para maintindihan ang mga pangyayari. It took him sometime bago naka-recover emotionally and he’s forever grateful sa kanyang parents at mga kapatid who were there for him during those trying times. Nag-reach out din umano siya sa family ng kanyang girlfriend na si Ishi.

In 2002, Vandolph met Jenny Salimao na miyembro noon ng all-girl dance group na Gee Girls. The two were introduced by Vandolph’s half brother na si Mark Anthony Fernandez. Nagkataon na nasa magkabilang dressing room lang noon sina Vandolph at Jenny ng ABS-CBN.

Vandolph admits that it was love at first sight nang makita niya si Jenny and he pursued her hanggang maging sila. They lived together sa loob ng limang taon bago sila nagpakasal nung December 3, 2007.

Bago isinilang ang kanilang biological son na si Vito Quizon (12), ang mag-asawa ay merong adopted daughter na si Gabrielle.

Hindi ikinakaila nina Vandolph at Jenny na tulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din umano sila ng arguments and there was even a time na kamuntik ito mauwi sa hiwalayan. Pero nangibabaw umano ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa maging sa kanilang dalawang anak kaya nasalba ang kanilang pagsasama.

In 2016, Vandolph took over his mother’s position as councilor of the 1st district of Paranaque at muli siyang tumatakbo sa kanyang third and final term habang ang kanyang wife na si Jenny Salimao-Quizon ang tumatayong barangay captain in the same district in an extended term. Pero sa kabila na pareho silang mag-asawa nasa public service, hindi umano sila nawawalan ng oras para sa isa’t isa at sa kanilang mga anak.

“Kapag nasa bahay kami, ginagampanan pa rin naming mag-asawa ang aming respective roles. Si Jenn nakukuha pa rin niyang magluto at ayusin ang pamamahay namin at asikasuhin ang mga bata considering na 24/7 siya kailangan ng barangay. We regularly bond as a family,” pahayag ni Vandolph.

Samantala, inamin sa amin ni Jenn na nung nabubuhay pa ang kanyang father-in-law na si Dolphy ay dito umano niya naranasan ang pagkakaraoon ng isang ama.

“He was a doting father,” ani Jenn.

Never naranasan ni Jenn ang pagkakaroon ng isang ama dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikilala ang kanyang biological father na isang American but she knows kung saan ito nakatira sa Amerika with his family.

“Lumaki ako sa lola ko na hindi naman nagkulang ng pagmamahal sa akin,” shares Jenn. “Pero there were really times na hinahanap ko ang tatay ko.”

“Ang kawalan na yun ng isang ama ay pinunuan ni Papa (Dolphy) nung siya’y nabubuhay pa kaya sobra rin akong naapektuhan nung mawala siya,” pag-amin ng misis ni Vandolph.

Sinabi naman ni Vandolph na kapag maayos na ang sitwasyon, gusto nilang puntahan sa America ang biological father ni Jenn.

Samantala, ang mag-asawang Vandolph at Jenny ay regular na napapanood sa bagong simulang weekly gag show na “Quizon CT (Comedy Theater)” on NET25 every Sunday at 8 p.m. kasama ang dalawa pang kapatid ni Vandolph na sina Eric at Epy Quizon na siya ring co-directors ng programa. Ang nasabing programa ang nagsisilbing tribute ng magkakapatid sa kanilang yumaong ama, ang comedy king na si Dolphy.

JodiJoshuaZanjoe at Joshua nabuking

DREAM come true para sa actor na si Zanjoe Marudo ang makatrabaho ang kanyang crush na si Jodi Sta. Maria sa bagong simulang teleserye, ang local adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster,” ang “The Broken Marriage Vow” na nagsimula umere last Monday, January 24.

Sa benefit show ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagong Odette, ang “Truth or Dare” ay magkakasamang nag-guest ang magkaibigang Daniel Padilla, Joshua Garcia at Zanjoe Marudo . Nang tanungin si Zanjoe sa kanyang showbiz crush ay walang kagatul-gatol na inamin nitong si Jodi Sta. Maria. Nang si Joshua naman ang tanungin, ang kanyang kaibigang si Daniel ang sumagot ng Janella Salvador na kinumpirma naman mismo ni Joshua.

Sina Joshua at Janella ay nagkasama sa hit primetime TV series na “The Killer Bride” na nagtapos sa ere nung January 17, 2020.

There was even a time na pinagselosan si Joshua ng partner ngayon ni Janella na si Markus Paterson.

Since his break-up with Julia Barretto in 2019, nanatiling single ang ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua na crush naman ng sexy star and top vlogger na si Ivana Alawi. Ang dalawa ay magkaibigan ngayon.

Bukod kay Ivana, malapit din ang binata sa kanyang dalawang na leading ladies, sa “Viral Scandal” at “Darna” na sina Charlie Dizon at Jane de Leon, respectively.

AliceAlice1Baby ni Alice mag-iisang taon na

IT was in May 2021 when the 52-year-old former beauty queen-turned actress Alice Dixson introduced her baby girl (through surrogacy) na si Baby Aura (by her American partner) na malapit nang mag-isang taon.

Mag-isang hinarap ni Alice ang surrogate mother ng kanyang baby. When the baby was finally handed to her, she took care of all the necessary papers (including passport) and needs para maiuwi niya sa Pilipinas ang bata.

Kahit hindi siya ang nagdala at naluwal ng bata, kakaibang bond ang kanilang nabuo when Baby Aura was finally handed to her.

Hindi rin ikinakaila ni Alice ang kakaibang joy na kanyang nadama at ng kanyang partner nang dumating sa kanilang buhay si Baby Aura.

Si Alice ay hindi nagkaroon ng anak sa kanyang ex-husband (of 14 years) na si Ronnie Miranda.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE