Tom

Tom, ‘lutang’ sa huling IG post

January 26, 2022 People's Tonight 511 views

NAHIHIWAGAAN pa rin ang mga follower nina Carla Abellana at Tom Rodriguez nang sumabog ang balitang hiwalay na umano sila. October last year lang ikinasal ang dalawa matapos ang pitong taong relasyon.

Tikom ang bibig ng dalawa pati na ang malalapit sa kanila sa rason ng diumano’y hiwalayan.

Sa pinakahuling Instagram post ni Carla, isang video ng ’di kilalang babae ang naka-post habang si Tom naman, ang salitang “Float” ang nakalagay two days ago. Lutang?

Teka, may nabasa kami sa social media na nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa IG at isang katrabaho raw ni Tom ang dahilan ng hiwalayan. Pero wala namang history ang aktor ng pambababae, huh!

Naku, ang palasak na salitang “privacy” na naman ang lulutang tiyak sa couple kaya tiklop ang mga bibig nila.

BEAUTY GURU, SUMABAK SA TALENT MANAGEMENT

PINASOK na rin ng beauty guru na si Bambbi Fuentes ang pag-aalaga ng talents.

Binuo ni Bambbi ang girl group na Gandaras kasama ni Tine Areola.

Ang members ng Gandaras ay sina Christa Jocon, Amcel Abuso, Shira Mae Tweg, Ash Carpio, Mosh Gerodias at Mira Aquino.

Lahat sila ay marunong sumayaw at kumanta pero si Mira ang composer-singer na siyang nagsulat ng theme song ng coming advocacy film tungkol sa Aids na Sugat Sa Dugo, titled ’Di Ka Kulang.

Nakalabas na sa ilang TV shows ang Gandaras at may acting experience na sa Sugat Sa Dugo na pinagbibidahan nina Janice de Belen at Khai Flores.

Mahigit limampu ang nag-audition para mapasali sa grupo na pinili ng Dragon Artist Management nina Bambi at Tine.

Good luck, Gandaras!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE