Miles Screenshots mula sa Instagram/@milesocampo

Miles ‘biggest blessing’ ang turing kay Elijah

August 17, 2023 People's Tonight 1120 views

SA ika-23 kaarawan ng award-winning actor na si Elijah Canlas, nagpaabot ng matamis na mensahe ang kanyang kasintahan at aktres na si Miles Ocampo.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, kalakip nito ang koleksyon ng mga videos na kasama ng aktres ang kanyang nobyo. Makikita ang mga sweet at nakakatuwang moments ng dalawa.

“My bestfriend. My biggest blessing. I love you with all my heart, my love,” mensahe ni Miles sa caption ng kanyang post.

“Happy happy birthday, my buggy butbut,” dagdag pa ng dalaga.

Nag-reply naman sa mensahe ni Miles ang birthday boy sa pamamagitan ng isang Instagram story.

“Thank you, my buggy. For every day. For every moment. For the love, strength, and peace,” pasasalamat ni Elijah sa inalay na mensahe at video ng nobya.

“I love you—today and always, my love,” saad pa ng aktor.

Nagpaabot din ang ibang personality ng birthday greetings para kay Elijah sa comment section ng post ni Miles.

“Happy birthday!” bati ni Chie Filomeno at ng film director na si Mae Cruz Alviar.

Bumati rin ng “Happy birthday” ang wedding photographer na si Pat Dy.

“HAPPY BIRTHDAY BB BOY!!!” komento naman ng singer-actress na si Kakai Bautista.

“HAPPY HAPPY VIRTHDAY MR PERFECT @elijahcanlas LOVEYOUBOTHSOMUCHHH,” bati ng internet personality na si Bong Gonzales.

AUTHOR PROFILE