
MIFF chairman Omen Ortiz: ‘We won’t respond to criticisms’
WE had a lengthy phone conversation with the chairman of the Manila International Film Festival who is based in Los Angeles,California, USA na si Omen Ortiz at marami siyang klinaro sa mga issues na ibinabato ngayon sa kanilang organisasyon, ang MIFF.
Ayon kay Omen, it was Philippine First Lady Atty.Liza Araneta-Marcos who suggested na gawin nang libre sa mga manonood ang mga pelikula na kalahok sa ikalawang taon ng MIFF so hindi lamang ang pelikulang “Green Bones” ang libreng napanood ng ating mga kababayan na dumayo sa TCL Chinese Theatre in Hollywood kundi ang lahat including “Song of the Fireflies” na tinampukan nina Morissette Amon, Rachel Alejandro, Noel Comia, Jr. at iba pa kundi maging ang mga old movies na “Magikland,” “The Debut” at ang record-breaking movie na “Hello, Love, Again” pati na rin ang ilang documentary films tulad ng “The Healing, “Nurse Unseen” at ang “Eraserheads: Band on the Run”.
“We’re not going to defend our actions and we’re happy with what we did and we won’t respond to criticism,” ani Omen.
“They can criticize us and the MIFF, that’s okey,” patuloy pa niya.
“They criticized everything, from the food and flowers, food service, and even the giveaway loot bags,” dugtong pa niya.
“We really can’t please everyone, they always find something to complain about,” pahayag pa niya.
Tinanong din namin siya kung totoo ang balitang kumalat na nagbenta umano ang MIFF ng $5,000 per table kung saan nila kasama ang isa o dalawang artista sa table na kanyang pinabulaanan.
Nang tanungin namin siya kung magpapatuloy pa ba ang partnership between MIFF and Metro Manila Film Festival (sa Pilipinas), sinabi niyang magkakaroon umano ng modification next year.
Meaning, hindi na lamang ang MMFF movies ang kanilang iimbitahin to participate kundi magbubukas na rin sila ng window sa ibang entries from the Philippines na hindi kalahok sa MMFF shown between January and November this year and these will include movies na hindi pumasok sa sampung official entries ng MMFF. Sa madaling salita, hindi na lamang MMFF participating movies ang ia-accommodate ng MIFF at magkakaroon umano sila ng kanilang sariling independent awards ceremony based on the movies na kalahok sa MIFF.
Ang 3rd Manila International Film Festival ay gaganapin in February 2026 sa John F. Kennedy Center for the Performing Arts in Washington, D.C., USA. and they’re even planning to invite Gary Valenciano’s son, Paolo Valenciano to direct the gala awards show.
Kung magkakaroon ng modification ang 2026 MIFF, magkakaroon din umano ng mga pagbabago sa bumubuo ng board ng organization.
Ibinalita rin sa amin ni Omen na ang pelikulang “Song of Fireflies” will have a special screening for members of Screen Actors Guild in America. “We’re actually campaigning,” aniya.
Ang isa pa ng magandang ibinalita ni Omen ay kasama umano siya sa advisory board ng The Asian World Film Festival na gaganapin sa Pilipinas in April 2026 at na-outbid umano nila ang South Korea at China.
The Manila International Film Festival (MIFF) will send to us the organization’s official statement bilang kasagutan sa mga naglabasang iba’t ibang issues na may kinalaman sa recently-concluded 2025 MIFF which we will accommodate in our column.