Michelle pinag-usapan paglabas ng PBB

April 12, 2025 Aster Amoyo 154 views

Michelle1PINAG-UUSAPAN sa social media ang video ni Michelle Dee, kung saan napanood ang pagsali niya sa fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition habang nagpi-picture sila sa harap ng Bahay ni Kuya.

Sa video, unang makikita na masayang ibinida ni Michelle ang iconic house habang siya ay nasa loob ng isang sasakyan na saktong malapit sa iconic house.

Sigaw ng beauty queen pagbukas ng car window, “Kuya balik na ako.”

Pagkatapos nito, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at sumali sa group picture ng ilang fans at mga nasa labas ng Bahay ni Kuya.

Bago bumalik sa sasakyan, game na game din siyang nagpakuha ng picture sa isang motorcycle rider.

Sulat ng Sparkle star sa caption ng kaniyang social media post, “Miss ko na bahay mo Kuya, sorry naaaaa!!!”

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 3.2 million views ang makulit na video.

Isa sa hindi malilimutan ng viewers sa pagpasok ni Michelle sa Bahay ni Kuya ay ang pagsisilbi niya bilang inspirasyon ng isa sa housemates na si Klarisse De Guzman sa pag-amin ng huli na siya isang bisexual gaya ni Michelle.

Ang Miss Universe Philippines 2023 ay pumasok sa iconic house noong March 29 at ipinalabas naman ang kaniyang pag-exit dito noong April 5.

Allen sinorpresa si Sofia sa bisperas ng birthday nito

SofiaBINIGYAN ni Allen Ansay si Sofia Pablo ng bouquet of flowers sa 19th birthday nito last April 10.

Kuwento ni Sofia na tinawagan daw siya ni Allen at sinabing kailangan silang magkita ng midnight dahil may ibibigay ito sa kanya.

Mag-out of the country kasi ang ka-loveteam kaya iyon lang daw ang time na puwede silang magkita.

Post ni Sofia sa social media: “Thank you Aki @itsmeallenansay. Birthday salubong cause I’m flying out tomorrow.”

In a separate post, Allen compiled their pictures throughout the years as she greeted Sofia.

“Happy birthday to my forever food partner! From sharing chicken to sharing dreams! excited for more food trips with you Aki @sofiapablo!” caption ni Allen.

Mapapanood ang Team Jolly sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Jo Koy at pamilya ligtas

JokoyIKINUWENTO ng Filipino-American comedian na si Jo Koy ang naging experiences niya sa emergency landing ng flight niya from Manila to Los Angeles in Japan.

Nag-post si Jo Koy ng isang video sa Instagram tungkol sa pangyayari kung saan sinabi niyang ligtas ang kanyang pamilyaaddressing

“We were on our way back to LA from the Philippines when the entire cabin filled with smoke (due to electrical fire). We then made an emergency landing into Tokyo, Japan,” caption ni JoKoy.

In the video, pinuri ni Jo Koy ang Philippine Airlines crew for “staying calm in a situation that could have quickly taken a turn for the worse.”

“We are safe, we are in Tokyo, and our next flight out is in nine hours so we are going to have some sake. I love you guys,” caption niya.

Kamakailan lang napanood siya sa ‘It’s Showtime’ kung saan niya ikinuwento ang pagbisita niya sa Bacolod kung saan siya pumirma ng isang kasunduan para sa kanyang Jo Koy Foundation para sa pagpapatayo ng isang school at iba pang pasilidad para sa isang komunidad. Gumawa rin siya ng pelikula, ang ‘The Last Resort’ para sa MVP Group.

AC at Ashley good vibes ang dala sa labas

ACAshleyGOOD vibes ang dala ng ex-Pinoy Big Brother housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa kanilang guesting kamakailan lang sa online show na Kapuso Artistambayan.

Masayang nakipagkwentuhan sina Ashley at AC sa Kapuso comedienne na si Maey Bautista at ilang GMA employees na parte ng show.

Bukod sa kamustahan, tampok din dito ang kanilang kulitan moments.

Sa TikTok, viral ngayon ang video nina AC at Ashley habang game na game sila sa isang trend, kung saan ang kinailangan lang nilang gawin ay umiwas o hindi mahagip ng camera na hawak ni Maey na tinatakpan ang kaniyang mga mata.

Labis na naaliw ang netizens at fans sa moments nina Ashley at AC sa Artistambayan.

Matatandaang sila ang unang celebrity duo na na-evict sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

AUTHOR PROFILE