Michelle may pagkakataon pa

November 20, 2023 Aster Amoyo 229 views

Michelle1Michelle2MARAMI ang nanghinayang na hindi nakapasok sa Top 5 si Michelle Dee sa nagtapos na 72nd Miss Universe pageant na ginanap sa El Salvador ng Central America nitong nakaraang Sabado ng gabi, November 18 (November 19 ng umaga sa Pilipinas). Ang nanalo ay ang Miss Nicaragua na si Sheynnis Palacios who made history not only for Miss Universe kundi lalo na sa kanyang bansa being the very first na nakapag-uwi ng titulo.

Michelle did a very good performance during the preliminary and coronation night, enough for her to even take home the crown. Pero naniniwala ang anak ng estranged couple na sina Melanie Marquez (1979 Miss International) at Derek Dee (businessman at dating actor-producer) sa destiny. The crown was meant for Miss Nicaragua whom she considers as an amazing woman.

Ang isang pinanghinayangan ni Michelle ay hindi man lamang umano siya nakahawak ng mikropono, an opportunity which was only given to the Top 5 and Top 3 candidates. Gayunpaman, nagpasalamat pa rin siya sa kanyang naging journey at sa lahat ng kanyang mga kababayan na sumuporta sa kanya, including her family, friends and home studio, ang GMA.

Hindi man niya naiuwi ang korona, super proud sa kanya ang marami sa kanyang mga kababayan dahil sa ipinakita niyang gilas during the whole journey ng competition at isa sa mga ito ay ang dating beauty queen, ang 2011 Bb. Pilipinas-Universe at pumangatlo sa Miss Universe nung taon ding `yon, ang National Director Miss Universe Philippines Organization na si Shamcey Supsup-Lee.

“To Michelle, words are not enough to express how immensely proud I am of you and your relentless drive to elevate your cause on the Universe stage. Being awarded as a gold winner in the Voice for Change category is a true testament to your dedication and your ability to walk the talk like a true queen. Securing a place in the top 10 is a remarkable achievement in itself. You have put the Philippines back on the map as a pageant powerhouse, and for that, we are immensely grateful.

“In my heart, I still believe you deserved a spot in the top 5. But as I often say, we can only control so much; the rest is beyond our grasp. Yet, in uniting the Filipino people and showing that kindness can indeed move mountains and create change, you have already triumphed. We eagerly await your return, our Queen. You’re made us all so proud,” pagbabahagi ni Shamcey sa kanyang social media account.

Samantala, since may isang taon pa siyang natitira before she turns 30 to join a beauty pageant, bakit hindi siya sumali sa Bb. Pilipinas for her to be able to represent the Philippines sa Miss International, ang titulong nakuha ng kanyang inang si Melanie Marquez in 1979? Baka dito ay makuha na niya ang korona.

Tambalang DonBelle nangunguna pa rin

DonbelleWALANG alinlangan na ang tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (ng Star Magic ng ABS-CBN) ay maituturing na hottest loveteam sa ngayon next to KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang kanilang kauna-unahang TV series na “Can’t Buy Me Love” ay patuloy pa ring nangunguna on Netflix maging sa Kapamilya channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, TFC, A2Z and TV5. Patuloy ding nagti-trending ang serye maging ang magka-loveteam at magkasintahan (?).

Ang dalawa ay muling magkasama sa katatapos pa lamang na Star Magical Christmas 2023 kung saan nakasuot ng Barbie attire si Belle with matching kasuotan ni Donny as Ken na rumampa sa white carpet.

It was in 2021 nang unang bumulusok ang kasikatan ng DonBelle na sila’y magsama sa “He’s Into Her” series which catapulted them to fame. Nagkaroon ito ng part 2 the following year at muli silang pinagtambal in a digital movie, ang “Love is Color Blind” and their first theatrical movie together, ang “Inconvenient Love,” ang first movie release ng Star Cinema in 2022. Since then ay tuluy-tuloy na ang pag-arangkada ng loveteam ng dalawa na pinaniniwalaan ng marami (including their fans) na magkasintahan na.

Marian at Beautederm may conflict ba?

MarianMarian1Marian2SA pagkakaalam namin ay limang taon nang celebrity endorser ng Beautederm na pinamumunuan ng successful and ever generous businesswoman na si Rei Anicoche-Tan ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera. She was even launched as the first brand ambassador ng BlancPro (na pag-aari rin ng Beautederm) last June 2023. But most recently, she was also launched as the first brand ambassador ng isang competing product, ang Luxe Skin. Wala bang conflict dito?

Pakisagot nga, Ftsukiee Rgomezz.

Mag-amang Freddie at Maegan nagkaayos na

MeaganMeagan1MAGIGING masaya at mapayapa ang Pasko sa mag-amang Freddie at Meagan Aguilar ngayong nagkaayos na ang dalawa pagkatapos ng mahabang panahon.

Totoo ang kasabihang “Kayang tikisin ng anak ang magulang pero hindi ng magulang sa anak”.

Matapos ang mala-teleseryeng issue sa pagitan nina Freddie at Maegan na umabot pa sa “Isumbong Mo Kay Tulfo” ni Sen. Raffy Tulfo at makailang beses na pagtatangka na wakasan ang kanyang buhay ni Maegan, nabigyan din siya ng magandang senyales ng Diyos para mag-reach out sa kanyang ama na naghihintay lamang sa kanya.

It was only last Thursday, November 16 nang muling magkita ang mag-amang Freddie at Maegan nang dalhin ng huli ang kanyang anak na si Mahi Vae (na kamakailan lamang nag-birthday) sa kanyang lolo (Freddie) at nag-desisyon sa ang mag-ina na mag-stay ng overnight sa bahay ni Freddie. Kinabukasan ng umaga during breakfast, nag-usap ang mag-amang Freddie at Maegan at ito ang naging daan ng muli nilang pagkakasundo..

Ayon sa music icon na si Freddie, matagal na umano niyang ipinagdarasal ang muli nilang pagkakasundo ng kanyang anak na si Maegan.

Tatlo ang apo ni Freddie kay Maegan na ang panganay na si Zane (boy), 16 ay nasa Houston, Texas, USA with his dad habang ang second child na si Anaya (13) stays with Freddie at ang bunsong si Mahi Vae (10), another girl is with Maegan.

All’s well that ends well sa mag-amang Freddie at Maegan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and TicTALK@asteramoyo and X (Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE