First Ang first fully automated, modern and state-of-the-art eight-story city jail sa Mandaluyong na na-inaugurate noong July 27.

Mga modernong kulungan vs pagkalat ng COVID isinulong

July 29, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 483 views

NAIS ni Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na pondohan ang konstruksiyon ng modernong kulungan sa bansa upang solusyunan ang napakasikip na mga bilangguan at pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), partikular ang Delta variant.

Sinabi ni Gonzales, beteranong kongresista na naging kasapi ng 10th, 11th, 12th, 14th, 15th, 16, at 18th Congress, na mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong bansa.

“In these trying times, we are hoping that Congress will also shed light on the needs of our fellow Filipinos who have been deprived of liberty. PDLs also deserve humane and safe facilities especially now that we are in a pandemic,” ani Gonzales, limang beses naging House Majority Leader noong 11th, 12th, 14th, 15th, at 16th Congress.

“Last Tuesday, July 27, together with local officials and the Bureau of Jail Management and Penology, we witnessed the inaugural blessing of the first fully automated, modern and state-of-the-art eight-story city jail in Mandaluyong. We hope that more of these facilities will be funded under the next year’s national budget,” dagdag ni Gonzales.

Nagkakahalaga ng P515-milyon ang bagong city jail sa Mandaluyong City na ipinanukala ni dating Mandaluyong City Rep. Queenie Gonzales noong 2018 at itinuloy ng kanyang mister na si Boyet Gonzales.

Sinabi ni Boyet Gonzales na espesyal ang bilangguan na dinesenyong energy-efficient, mayroong “sunning area” sa roof deck, basketball court, at state-of-the-art kitchen and laundry facilities.

“We see this facility as the solution to the perennial problem of congestion in our jails in Mandaluyong because the old BJMP building has the capacity of around 170 PDLs but it currently houses over 700 inmates,” ani Boyet Gonzales.

Iginiit ng Deputy Speaker mula sa Lone District ng Mandaluyong City ang kahalagahan na bumuo ng maayos na mga pasilidad upang matulungang mareporma ang mga bilanggo at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, lalong-lalo na ang COVID-19.

Sa ulat ng Human Rights Watch noong 2020, sinabi ni Boyet Gonzales na inihayag ng BJMP na 467 kulungan sa buong bansa ang mayroong 534 porsiyentong kapasidad noong Marso ng nasabing taon.

Base naman sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor), sinabi ni Boyet Gonzales na umaabot sa 310 porsiyento ang congestion rate ng 125 kulungan sa buong bansa.

“Marapat-dapat din nating mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating mga kababayang nakapiit sa kulungan, na marami sa kanila ay nagkamali o nagkasala man, dahil sa matinding kahirapan. Ang bagong city jail na ito ay siguradong masu-solusyunan ang kadalasang problema ng overcrowding sa mga city jails, kaya’t madalas ay nagkakahawaan ng mga pigsa at mga skin disease at iba-ibang mga sakit ang mga inmates,” ayon kay Boyet Gonzales.

“Ngayon namang panahon ng COVID19, huwag naman sana mangyari maghawaan. Ngunit kung mayroon man pangyayaring ganito ay may sapat na lugar o selda na dahil sa laki ng aming bagong city jail, na maaaring maihiwalay ang mga magpa-positive na inmates, sa kabuuan ng mga nakakulong,” pahayag ni Boyet Gonzales.

Pinangunahan ni Public Works Sec. Mark Villar ang inagurasyon kasama si Gonzales bilang parte ng BUILD, BUILD, BUILD program ng administrasyong Duterte.

Dumalo rin sina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Vice-Mayor Anthony Suva, iba pang mga konsehal, barangay kapitan ng lungsod, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Vic Danao, Deputy Chief for Admin ng BJMP Ruel Rivera, Philippine National Police (PNP) Police Director Matthew Baccay, Mandaluyong Police Chief Police Colonel Mel Unos at DILG Usec. Rico Judge Echiverri.

AUTHOR PROFILE