
Mga kaibigan humihingi ng dasal sa kalagayan ni Hajji
HINDI pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ng OPM icon na si Hajji Alejandro na may kinalaman sa kanyang health condition ngayon pero humihingi ng dasal ang kanyang mga kasamahan sa The Hitmakers na sina Nonoy Zuniga, Rey Valera at Marco Sison maging ang iba pa niyang mga katrabaho at mga kaibigan sa industriya.
Nasa pagamutan umano ngayon ang OPM hitmaker na merong stage 4 colon cancer na umabot na umano sa kanyang lungs and liver.
Hajji’s second wife, the late beauty queen-host Rio Diaz (younger sister of the first Filipino Miss Universe-turned actress Gloria Diaz) died of colon cancer in Daly City, California, USA nung October 4, 2004.
Hajji has two daughters sa kanyang first wife na si Myrna, ang singer and stage actress na si Rachel Alejandro and chef Barni Alejandro, a son na si Ali Alejandro (sa kanyang namayapang misis na si Rio Diaz) and another daughter na si Michelle Alejandro from another woman.
Rachel was only four years old nang magkahiwalay ang parents nila ng sister niyang si Barni.
Si Hajji ay dating miyembro ng Circus Band, ang grupong pinagmulan din ng isa pang music icon na si Basil Valdez along with other OPM icons na sina Pat Castillo, Tillie Moreno, Ceres Jacinto, the late Jacqui Magno at iba pa before they all went solo.
Hajji started his solo career in 1976 and it was in 1977 when he released his first single under Ivory Records na pinamagatang “Tag-araw, Tag-ulan” which became a hit.
Hajji was driving when he first heard his song being played on radio at hindi niya napigilan ang mapaiyak. Ganoon din ang kanyang nararamdaman kapag kinakanta ang kanyang songs ng ibang artists o ng mga tao.
During the peak of his popularity nung dekada sitenta at otsenta, he popularized songs tulad ng “Tag-araw, Tag-ulan,” “Kay Ganda ng Ating Musika,” “Panakip-Butas,” “Nakapagtataka,” “May Minamahal,” “Ang Lahat ng Ito’y Para sa `Yo,” “Ikaw at ang Gabi” at iba pa.
National Artist for Music Maestro Ryan Cayabyab composed “Kay Ganda ng Ating Musika” which was entered into sa kauna-unahang Metro Manila Popular Music Festival nung 1978 and interpreted by Hajji and it won the grand prize. The same song was also included sa 1st International Seoul Song Festival in Seoul, Korea at ito rin ang nanalo sa grand prize and Best Singer for Hajji.
Dubbed as the original ‘Kilabot ng mga Kolehiyala’ nung `70s and `80s, Hajji continued his performance as a solo artist and a times with a group called The Hitmakers na binuo noon ng yumaong `The Total Performer’ na si Rico J. Puno. He would also do back-to-back concert with his daughter na si Rachel Alejandro hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Isa kami sa nakikiisa sa panalangin sa tuluyang paggaling ng music icon na si Hajji.
Cedrick may pagkamakatang sinulatan si Kate
BARELY a week after they announced their engagement ay kasunod na rito ang pagpapakasal ng 2023 Metro Manila Film Festival Best Actor na si Cedrick Juan (from the movie “GomBurZa”) at theater, TV and movie actress na si Kate Alejandrino sa isang intimate garden wedding last February 25, 2025. Ito’y dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan including “GomBurZa” director na si Pepe Diokno.
Sa Instagram account ng actor na si Cedrick ay kanyang ibinahagi ang kanyang tunay na pagmamahal sa kanyang misis na ngayon na si Kate Alejandrino sa pamamagitan ng mala-poem na mensahe:
“Mahal…Masaya akong maibalik sa iyong mga mata ang pinangarap ko lang noong nagsimula tayo. Ngunit alam kong hindi ito natatapos sa pagiisang dibib. Tuloy-tuloy na pagsisikap dapat ito, kung pumalya man ay babalikan ko ulit ang mga rason kung bakit ako nangarap.
“Panibagong yugto ito ng ating buhay. Ang yugtong mas nagpabuklod sa ating pagsasama, pagkakaibigan at pagmamahalan. Saksi ang ating mga pamilya, kaibigan, ang Diyos at uniberso sa pagiisang dibdib natin.
“Habang buhay na bigayan, suyuan, aso’t pusang argumento at hindi pagkakasunduan. Pero pipiliin ko pa ring ikaw ang makasamang magresolba.
“Ang klase ng pagmamahal mo ang nag-udyok sa akin na mas pagbutihin pa ang pagiging tao ko. Ang huwag matakot magsalita ng tunay na nararamdaman, masakit man o magiging masaya man.
Ang mahalaga ay totoo sa sarili at pakay.
“Salamat sa pagtanggap, sa inspirasyong mas maging sigurado sa salita at galaw, sa pagyakap sa klase ng pagmamahal na kaya kong ibigay at sa pag-oo na maging katuwang habang buhay.
“Pipiliin ka araw-araw. Pagtatrabahuhan bawat saglit at mamahalin ka bawat yugto ng ating buhay.
“Ang iyong mister (face with hearts emoji)”.
Si Cedrick ay nagsimula bilang actor sa teatro nung 1976 hanggang tuluyan na niyang mapasok ang mainstream TV and movie acting. Sa teatro rin nagsimula ang misis na niya ngayon na si Kate kung saan sila unang nagkakilala at nagkalapit.
Si Cedrick ay nasa pangangalaga ngayon ng bagong tatag na Media Quest Artist Agency.
Bago ang kanyang Best Actor trophy mula sa 2023 MMFF, si Cedrick ay nakatanggap din ng Best Actor trophy mula sa Aliw Awards for the play, “Sakuntala: Ang Singsing ng Kapalaran sa Dunyanta.”
Si Cedrick ay huling napanood sa 2024 MMFF na “The Kingdom” at sa TV series na “Himala ni Nino” on TV5.
BINI pasok ang mga awitin sa Grammy playlist
THE Nation’s Girl Group and the country’s leading all-female P-Pop group na BINI ay pasok ngayon sa Grammy’s Website Week-end Playlist na first time ever for a Filipino group or artists.
Matapos ang kanilang sunud-sunod na sold-out concerts sa New Frontier Theatre, Araneta Coliseum and most recently sa Philippine Arena with over 50,000 sitting capacity nung nakaraang February 15, 2025, magsismula na rin sa buwan ng Mayo at Hunyo ang kanilang unang world tour sa ibang bansa.
Ang BINI ay binubuo ng walong naggandahang babae na sina Jhoanna, Aiah, Colet, Gwen, Maloi, Stacey and Mikha na binuo mula sa Star Hunt Academy ng ABS-CBN nung 2018. The group is the newest exponent ng Pinoy pop culture.
Speaking of BINI, sobra kaming natuwa for the group nang madinig namin ang kanilang music na tinutugtog sa centralized music sa loob ng Universal Studios in Hollywood, California, USA during our recent visit sa sikat na Hollywood theme park.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermamoyo and X@aster-amoyo.