Default Thumbnail

Mga ginawa ni Isko sa panahon ng pandemya

December 16, 2021 People's Tonight 11911 views

Itchie CabayanMAHALAGANG ang uupong mga lider ng bansa sa 2022 ay ‘yung may mga kongkretong nagawa nang panahon ng pandemya.

Bago pa man magka-pandemya, itinatag na ni Aksyon Demokratiko presidential bet, Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) sa Sta. Ana Hospital (SAH). Ito ay may 150-bed capacity at agarang nagamit nang dumating na ang COVID-19.

Sa gitna ng sunod-sunod na lockdown, nilagdaan ni Moreno ang City Ordinance No. 8625, na naglaan ng P591.5 milyon upang makapagbigay ng P1,000 cash assistance sa 680,000 pamilya sa dalawang pagkakataon.

Nagbigay din ang Maynila ng buwanang allowance para sa persons with disabilities, solo parents, senior citizens, K to 12 at college students.

Naitatag din ni Moreno ang Manila COVID-19 Field Hospital sa loob lamang ng may 50 araw at inilunsad niya aang COVID-19 Food Security Program kung saan 700,000 pamilya ang nakatatanggap ng buwanang food box.

Ang mass vaccination program na personal na pinamamahala ni Moreno kay Vice Mayor Honey Lacuna bilang doktora din ay nagtagumpay. May “home service vaccination program” pa para sa mga bedridden residents o ‘yung mga walang pisikal na kakayahan upang magtungo sa mga vaccination sites.

Nang lumipat sa distance learning ang mga paaralan, agad na nagpamigay ang pamahalaang-Maynila ng libreng gadgets sa mga guro at mag-aaral ng mahigit 100 public schools sa lungsod.

Ilan lamang ‘yan sa mga nagawa ni Moreno nitong panahon ng pandemya. Talaga namang may foresight, plano at Bilis-Kilos, walang duda.

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0919-0608558.

AUTHOR PROFILE