Default Thumbnail

Mukha ng pera

December 16, 2021 Marlon Purification 445 views

Marlon PurificationPATI si dating PNP chief Guillermo ‘Guillor’ Eleazar ay nakikisa sa mga grupo at indibiduwal na nananawagang irekonsidera ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang plano nilang tanggalin ang mukha ng tatlong bayani sa ating P1,000.

Ayon kay Eleazar, hindi niya maintindihan kung bakit pati ang mukha at pangalan ng mga bayani ay gustong ipatanggal ng BSP sa ating pera, gayung simbolo ito ng pagdakila ng bansa sa mga nagawa nilang tulong noong panahon ng giyera.

“Heroes are the pride and the inspiration of a nation. The least that we could do to honor them is to immortalize their sacrifices and contributions in order to constantly remind the present future generations of what we have been through and how we come to enjoy now the comfort of having a nation of Filipinos,” ani Eleazar.

Bukod sa may personal siyang pagkilala sa mga bayani dahil ang ama nitong si Victor ay dating World War II veteran, hindi magandang tingnan na mistulang pinaglalaruan at pinag-eeksperimentuhan ng ilang tao sa pamahalaan ang mga disensiyo sa ating pananalapi.

“In the case of Josefa Llanes Escoda, General Vicente Lim and Chief Justice Jose Abad Santos, they serve as the mirror of who we are and what we should be as Filipinos,” sabi pa niya.

Aniya: “Every coin and every bill is itself a piece of Philippine history. Sa halip na magbawas, mas maganda sana kung magdagdag pa nga tayo upang araw-araw ay mapaalalahanan ang ating mga kababayan kung gaano kadakila ang ating lahi.

Bilang anak ng veteran, ramdam nito ang kahalagahan na iniambag ng mga dating lahi na nakipaglaban para sa soberenya ng bansa.

“Kaya ramdam ko at nauunawaan ang sentimyento ng mga anak ng beterano tungkol sa desisyong ito. Ang tatlong bayani na nasa kasalukuyang P1,000 bill represent the stories of each and every Filipino World War II veteran,” sabi pa ni Guillor.

Kaisa aniya si Eleazar sa mga bumabatikos sa ginawang ito ng BSP na dapat ay irekonsidera nilang baguhin sa lalong madaling panahon.

Naiintindihan ni Guillor ang layunin ng BSP na isulong ang polymer banknotes para sa aspeto ng seguridad, ngunit maaari naman aniyang hindi na baguhin o tanggalin ang larawan ng ating mga bayani.

Dapat ikonsidera rin ng BSP ang panawagan ng ilang abaca farmers na ang polymer banknote ay makaaapekto lokal na industriya ng agrikultura.

Sa kasalukuyan kasi, ang Philippine banknotes o pera ng bansa ay gawa ng “80% cotton at 20% abaca.”

Sa ganang akin, masyadong garapal ang ginawang ito ng BSP.

Mas marami pang problema ang bansa na dapat nilang ayunan. Kung totoong aspeto ng seguridad lamang ang kanilang pakay, hindi na dapat pang idinadamay ang mukha ng tatlong bayani ng bansa.

Kung gusto n’yong tanggalin ang mukha nina dating Pangulong Cory Aquino at Noynoy Aquino, bahala kayo sa buhay n’yo kung gusto n’yo lang magsipsip sa pamahalaan. Pero wag naman iyong mga nakipaglaban sa giyera na ang paglagay ng kanilang mukha at pangalan sa ating mga salapi lamang ang maibibigay nating sukli sa ginawa nilang kabayanihan ay pinapakialaman pa nila.