Default Thumbnail

Mga estudyante inararo ng truck; 1 patay, 6 sugatan

May 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 192 views

PATAY ang isang estudiyante habang sugatan ang 11 iba pa matapos araruhin ng isang pick-up truck sa harap ng entrance gate ng kanilang campus sa Salcedo, Eastern Samar nitong Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Aprel Macajeto, 18, Grade 12 student ng Salcedo Vocational High School na matatagpuan sa Bgy. Naparaan.

Isinugod sa Salcedo Doctors Hospital ang mga nasugatan na sina Lady Ann Eder, 18; Daisyiree Labutap, 18; Micaella Raagas, 17; Mariel Cabugawan, 18; Riby Garcia, 19; Nina Mae Sevilla, 16; Bea Amor Macapanas, 17; Nor-Ain Soledad, 17; Marianita Cadisal, 17; Mary Rose Caballegan, 16; at Roxanne Fabillar, 16.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nakatayo ang mga biktima sa tapat ng kanilang campus at naghihintay ng masasakyan pauwi nang bigla na lamang silang araruhin ng Isuzu pick-up truck na minamaneho ni Manuel Waniwan, 61.

Sa pahayag ng Department of Education o DepEd Regional Office, patunongo sa bayan ng Quinapondan ang sasakyan at mabilis na binabagtas ang kanang bahagi ng kalsada nang hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong kumabig ka kaliwang kalsada kung saan nakatayo ang mga biktima.

“The car heading to Quinapondan town occupying the right lane, travelled at high speed, while 12 students were standing at the extreme left side of the road waiting for motorcycle to take them home. The car swerved to the left lane for unknown reason, hitting all the students,” pahayag ng DepEd.

Dead on the spot si Macajeto habang dalawa sa mga nasugatan ang nasa kritikal na kalagayan.