Default Thumbnail

Mga aral sa Bibliya gabay ng pamilya Cayetano sa mga programa at proyekto

February 15, 2023 Edd Reyes 318 views

Edd ReyesMGA aral at salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ang palaging gabay ng mag-asawang Senator Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano sa tuwing maglulunsad sila ng proyektong kapaki-pakinabang sa mamamayan ng lungsod.

Noon pa man ay palaging bukang-bibig ng mag-asawa sa kanilang pagsasalita sa tuwing may ilulunsad na programa at proyekto ang pamahalaang lungsod ang mga aral sa Bibliya kaya’t lagi na’y nagiging matagumpay ang mga ito.

Patunay rito ang mabilis na pag-angat ng kabuhayan at ekonomiya ng Taguig na dating isang bayan lamang, kasama ang Pateros. bago naging isang lungsod noon Disyembre ng taong 1998 hanggang tuluyang mapabilang sa mayayamang siyudad sa Kamaynilaan bunga ng magagandang proyekto at programa lalu na sa panahon ng pamilya Cayetano.

Nito nga lang Pebrero 13, isang araw bago ang Valentine’s Day, muling ibinatay nina Mayor Lani at Senator Alan ang pagbubukas ng “Love at the Park” sa aral at salita ng Diyos kaugnay sa pagpapalaganap ng pagmamahal, hindi lamang sa mga mahal natin sa buhay, kundi sa ating sarili at sa kapuwa-tao.

Hindi naging problema sa pamahalaang lungsod ang paggastos sa makabuluhang proyeto para makalikha ng perpekto at romantikong gabi, hindi lamang sa mga magsing-irog at mag-asawa, kundi sa lahat ng mamamayan ng lungsod at maging naninirahan sa karatig lugar ngayon buwan ng mga puso na tatagal hanggang Pebrero 26..

Ang naturang parke sa kahabaan ng Lakeshore sa Laguna Lake Highway sa Brgy. Lower Bicutan ay unang binuksan sa publiko noong buwan ng Nobyembre bilang Christmas by the Lake at dahil sa kasiyahang idinulot nito sa maraming mamamayan, binuksan itong muli bilang “Love at the Park” na ibinatay ng alkalde at kanyang mister sa pagpapalaganap ng pagmamahalan na kabilang sa aral sa Bibliya.

Navotas at Caloocan, kinilalang muli sa maayos na paggamit ng pondo

KABILANG muli ang mga Lungsod ng Navotas at Caloocan na kinilala ng Bureau of Local Government Supervision at Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa kanilang malinis at maayos na paghawak at pamamahala ng pondo ng bayan para sa taong 2022.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na ang pagkilalang iginawad ng DILG sa kanilang lungsod bilang isa sa 2022 Good Financial Housekeeping ay patunay ng kanilang pagsisikap na gugulin sa maayos, tapat at bukas sa pubiko ang mga inilalabas na gastusin para sa paglikha ng programa at pagkakaloob ng serbisyo na magiging kapakipakinabang sa mamamayan.

Utang aniya nila ang tinanggap na pagkilala sa mga masisipag na kawani ng lokal na pamahalaan na may pangakong magkaloob ng mataas na kalidad ng serbisyo publiko, pati na rin sa lahat ng Navoteños na sumusuporta sa pamamaraan ng kanilang pamamahala.

Naniniwala si Mayor Tiangco na magiging matibay na batayan ang ginawang pagkilala sa kanila bilang isa sa 2022 Good Financial Housekeeping sa ilalabas na opinyon ng Commission on Audit (COA) kung qualified o unqualified ang isang lokal na pamahalaan.

Ang Navotas ang tanging lungsod sa Metro Manila na pinagkalooban ng pitong sunod na taon na Unqualified Opinion ng COA, ang pinakama ibinibigay sa mga ahensiya ng gobyerno o LGUs.

Sa panig naman ni Caloocan City Mayor Along Malapitan, ang pagkilala sa lungsod bilang isa sa 2022 GFH ay iniaalay nila mamamayan ng lungsod, kasabay ng paghimok sa kapuwa niya mga serbisyo publiko na panatilihin ang pagiging transparent, maayos na pamamahala sa pananalapi at may pananagutan sa lokal na pamahalaan.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE