Michelle

Melanie, ‘lucky charm’ ni Michelle sa Miss U

November 27, 2023 Vinia Vivar 378 views

Labis na na-touch si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa inang si Melanie Marquez na kahit masama ang pakiramdam ay bumiyahe ng El Salvador para suportahan siya at personal na saksihan ang kanyang laban sa Miss Universe 2023.

“Sinabi ko po talaga, mawala na ang lahat ng live na manonood, huwag lang ‘yung nanay ko. Siya lang po talaga ang lucky charm ko,” ani Michelle sa guesting niya sa Unang Hirit kung saan ay binigyan siya ng programa ng isang bonggang warm welcome.

Kwento ni Michelle, nang lumipad pa-El Salvador ang ina niya ay may back injury ito.

“She wasn’t feeling well nu’ng lumipad siya as in nagti-trigger ‘yung back injury niya,” aniya.

Good thing ay inalagaan naman ito ng ng mga attendant sa eroplano habang nagbibiyahe kaya super thankful si Michelle sa airline company na sinakyan ng ina.

“They took care of my mom, nakarating siya, nakanood siya,” tsika ng beauty queen.

Pero after ng Miss U coronation night ay hindi na sila nagkita ng mommy niya kaya ang higpit ng yakapan nila nang salubungin siya nito sa airport pagdating sa ‘Pinas.

“’Yung higpit ng yakap (namin) is because I didn’t get to see her after my competition. So, ‘yun ‘yung first time na nakita ko siya since I was on the Miss Universe state,” she said.

Nakunan nga ng video ang yakapan nila sa airport na ipinakita rin ng Unang Hirit. Mapapanood ang higpit ng yakapan nila at akala mo’y maraming taon silang hindi nagkita.

“Kasi hindi ko talaga siya nakita kaya alam mo ‘yun, parang gusto mo nang umiyak,” sey ni Michelle.

AUTHOR PROFILE