Melanie

Melanie buo ang suporta kay Michelle, sinamahan ang anak

November 16, 2023 Aster Amoyo 212 views

Melanie1ANG Sparkle artist, model at beauty queen na si Michelle Dee (28) ang kinatawan ng Pilipinas sa 2023 Miss Universe na gaganapin sa Jose Adolfo Pineda Arena in El Salvador ng Central America sa darating na Sabado, November 18 ng gabi (morning November 19, Philippine time).

Bukod sa kanyang parents na sina Melanie Marquez at Derek Dee, mga kaanak, mga kaibigan, ang kanyang home studio, ang Kapuso Network at ang kanyang mga kababayan hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo ay umaasa na maiuuwi ng beauty queen-actress ang korona na halos limang taon na ring mailap sa Pilipinas matapos ang 2015 and 2018 wins nina Pia Wurtzbach and Catriona Gray.

Lumipad last Tuesday, November 14 patungong El Salvador ang ina ni Michelle na si Melanie Marquez, herself an actress and a beauty queen nung 1979 nang masungkit nito ang 1979 Miss International crown in Tokyo, Japan at age 15 making her the youngest beauty queen in the said pageant. Hindi naman makadadalo sa pageant ang kanyang amang businessman at dating film producer and actor na si Derek Dee gayundin ang National Director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup, ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up. But in spirit ay naroon ang kanilang suporta at dalangin na sana’y maiuwi ng actress-beauty queen ang crown.

There are 84 candidates from different countries na maglalaban-laban sa 2023 Miss Universe crown at ang mananalo ay kokoronahan ng 2022 Miss Universe (representing USA) , ang Fil-Am beauty queen na si R’Bonney Gabriel.

The pageant will be hosted by Jennie Mai at 2012 Miss Universe na si Olivia Culpo sa ikalawang pagkakataon kasama si Maria Menounos habang ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at Zuri Hall ang tatayong backstage correspondents. Ang American hitmaker, singer-songwriter, record producer and actor na si John Legend ang special guest performer.

It took 48 years for El Salvador to host the 72nd Miss Universe pageant na ang unang pagkakataon ay nangyari nung 1975.

Positibo ang mga kababayan ni Michelle na magiging maganda ang kanyang laban sa coronation night.

Si Michelle ay first cousin ng actress at dati ring beauty queen, 2017 Miss World Philippines na si Winwyn Marquez na siyang unang Filipina titleholder na kinoronahang Reina Hispanoamericana nung 2017 na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.

Hitmakers may concert kasama si Pops

Hitmakers1ANG Hitmakers na binubuo nina Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, Rey Valera at Marco Sison ay nagsi-celebrate ngayon ng kanilang 20th anniversary bilang grupo but have been in the entertainment industry for over five decades as individual hitmakers and performers.

Ang Hitmakers ay nagsimula 20 years ago na binuo ng yumaong Total Entertainer na si Rico J. Puno na sumakabilang-buhay nung October 30, 2018 may limang taon na rin ang nakararaan. It was a back-to-back duo between Rico J. and Hajji na sa kalaunan ay sumali na rin sina Nonoy Zuniga at Rey Valera. Nang pumanaw si Rico J, Marco Sison was added to the group. Ang apat (including the late Rico J.) all started in their respective music careers in the `70s na sinimulan ni Nonoy (who is a medical doctor) in 1971, sinundan ni Rico J. in 1975, Hajji in 1976, Marco in 1977 at 1978 naman si Rey.

Iba-iba ang music journey ng bumubuo ng Hitmakers na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagpapasaya sa kanilang mga loyal fans in the Philippines maging sa ibang bansa both as individual performers or as a group.

Sa darating na December 1 (Friday) at 8 p.m. ay muling mapapanood ang The Hitmakers sa kanilang 20th anniversary concert na pinamagatang “Hitmakers: XXceptional (The 20th anniversary concert) na gaganapin sa The Theatre at Solaire with the Concert Queen, Pops Fernandez as guest performer. Ang veteran na si Gerry Matias ang musical director. The concert is jointly produced ni Pops Fernandez under her DSL Productions and successful businesswoman, record, concert and movie producer na si Flor Santos, ina ng singer-actor na si LA Santos at kapatid nitong signer na si Kanishia Santos.

Bukod sa kanilang respective classic hit songs, nakatakda ring magbigay ng tribute ang grupo sa kanilang dating kasamahan at founder ng Hitmakers na si Rico J. bukod pa sa mga bagong komposisyon ng singer-songwriter ni Rey Valera.

Rey sumikat matapos tanggihan ni Rico J

RicoALAM ba ninyo na walang plano na maging singer at recording artisi Rey Valera nang ito’y magpunta sa bakuran ng Vicor Music Corporation (ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad) nung 1977 para mag-submit ng kanyang sariling composition intended for Rico J. na siyang namamayagpag noon sa hindi lamang sa Vicor kundi sa buong Pilipinas?

Ang komposisyon ni Rey na pinamagatang “Ako si Superman” was presented to Rico J. pero ito’y kanyang tinanggihan. Ang ginawa ni Chito Ilacad, ang nakababatang kapatid ni Boss Orly Ilacad at siyang head noon ng A&R Division ng Vicor, he asked Rey to record the song himself and it became a hit and signals Rey’s entry sa music entertainment business and the rest ay history nang maituturing.

“Siguro, kung hindi tinanggihan ni Rico J. ang kanta ko, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nabibigyan ng pagkakataon na maging singer dahil ang gusto ko lang noon ay magsulat ng kanta at mag-submit ng demo tape ng mga komposisyon ko,” pagbabalik-tanaw pa ni Rey.

“In a way, I have to thank Rico J. na kanyang tinanggihan ang kanta ko,” natatawang kuwento ng singer-composer.

The group has fond memories of Rico J. na siyang energizer noon ng Hitmakers.

Mga anak nina Sen. Robin at Mariel halos magkasunod lamang ang birthday

RobinRobin1MAGKASUNOD na araw lamang ang kaarawan ng dalawang anak ng mag-asawang Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez na sina Isabella at Gabriela Padilla .

Isabelle turned 7 nung nakaraang November 14 habang 4 naman si Gabriela ng November 15.

Narito ang pagbati ni Mariel sa kanilang dalawang angels ni Robin sa kanyang IG account.

“Happiest birthday to my @mariaisabelladepadilla. May angel is 7 years old today!!! (Nov. 15). Isabella loves marsmallows, anime, fondant, black pink, she reads a lot, writes stories and makes videos with background music and voice overs like a real content creator. She excels in what she does. She is friendly, kind and compassionate. She cares about school and hates being late. She is growing up to be an awesome human being and I am just so so proud to be her mom. Thank you anak for being my greatest teacher. I love you beyond words. Happiest birthday,” pagbati ni Mariel sa kanyang panganay.

“Dearest Gabriela, To my girly girl, make up loving, nail salon partner, ball of sunshine and may happy pill HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!!!!! You are now 4 years old my baby girl!!!!! Stay as sweet as you are. Nanay will always always always be here for you!!!!! Thank you for completing my dream family!! I am so proud of you. Happy birthday, Pretty!!!!,” pagbati naman niya sa kanyang bunsong anak.

Ang mag-asawang Robin at Mariel ay nagkalapit sa isa’t isa sa isang noontime show kung saan isa sa mga co-hosts si Mariel habang si Robin naman ang nag-pinch hit noon sa main host ng program ana si Willie Revillame. The couple got married in Taj Mahal in Agra, India nung August 19, 2010 at sila’y nabiyayaan ng dalawang anak na parehong babae, sina Isabella (7) at Gabriela (4).

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE