Melai ‘di makapaniwalang bida sa isang Fil-Korean movie

November 11, 2023 Aster Amoyo 295 views

Melai1Melai2HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala ang ex-PBB Big Winner-turned actress-comedienne and “Magandang Buhay” TV host na Melai Cantiveros na mabibigyan siya ng big break ng Pulp Studios na magbida sa kanilang debut produced film, ang action-comedy movie na “Ma’am Chief” na pinamahalaan ni Kring Kim and was shot entirely in South Korea with a combination of Filipino and Korean cast and production staff.

Bukod kay Melai, tampok din sa pelikula na magbubukas sa mga sinehan simula ngayong November 15 sina Alora Sasam, Karylle, Jennica Garcia, Bernadette Allyson, Pepe Herrera, Manel Sevidal, Dustine Mayores, Enzo Almario at Sela Guia. May special participation naman sa naturang pelikula ang ilan sa mga K-Drama and K-Pop stars tulad nina Do Ji Jan, Seunggi, Rolling Quartz at Yuju.

A true K-Pop fan, hindi akalain ni Melai na magkakaroon ng katuparan na makarating siya sa magagandang lugar ng South Korean kung saan nag-shoot ang mga kilalang K-drama stars, K- movies and K-drama series at makatrabaho ang ilang K-pop stars.

“Sobrang amazing ang experience namin doing the “Ma’am Chief” movie sa South Korea,” bulalas ni Melai.

“Sobra talaga namin in-enjoy kasi inalagaan kami ni Inang (Happee Sy-Go, producer of the film) at ni Ms. Kring (Kim) at ng buong production,” patuloy pa niya.

All praises ang bumubuo ng cast ng movie including the Korean cast dahil hindi umano tinipid ang production pati accommodation at pagkain umano nila in South Korea ay spoiled umano sila ng Pulp Studios producer.

Mababait, friendly at supportive din umano ang kanilang Korean counterpart while filming the movie.

Ayon kay Happee Sy-Go ay big fan umano sila ng kanyang mister ni Melai kaya ito umano ang kanilang piniling mag-bida sa kanilang first produced film at hindi umano sila binigo ng actress-comedienne-host dahil sa pagiging muhusay nito bilang isang komedyana.

Although sa ngayong November 15 pa lamang maipapalabas sa mga sinehan ang pelikula, nag-iisip na sina Happee at Direk Kring ng part 2 and part 3 ng pelikula na pagbibidahan pa rin umano ni Melai with Sofia Hazel Calapag as writer. Ayon sa writer, hinugot umano niya sa kanyang retired policewoman mother ang role bilang policewoman ni Mela sa pelikula.

Bago ang kanilang shoot last May in South Korea ay nagkaroon umano ng workshop bilang K-Pop fans sa loob ng tatlong araw ang bumubuo ng Filipino cast para maging natural ang kanilang pagganap sa kanilang respective roles.

Ang Korean assistant director ng hit Korean TV series na “Crash Landing on You” ay siya ring tumayong assistant director ng “Ma’am Chief.”

Aminado rin ang actress, comedienne at TV host na ang “Ma’am Chief” ang biggest movie project niya with her playing the titular role at hinding-hindi umano niya makakalimutan ang kanyang experience doing the movie.

Ang “Ma’am Chief” ay nakatakdang magkaroon ng star-studded premiere night ngayong Sababo ng gabi, November 11 sa SM Megamall with the Korean stars and cast in attendance.

Serena magiging nanay na

SerenaSerena1Serena2SA buwan ng March 2024 nakatakdang isilang ng dating child star na si Serena Dalrymple ang kanilang magiging first baby ng kanyang French-American husband na si Tom Bredilllet whom she married in America nung October 2, 2022.

Ang couple ay nagkakilala nung 2018 na sinundan ng kanilang pagbisita sa Pilipinas on same year. Magkasama ring namasyal at nagbakasyon sa Scotland at Paris in 2019 at taong 2020 namang nag-desisyon ang dalawa ma bumili ng bahay at mag-move mula New York City, USA to Hampshire in England.

Ang Fil-American na si Serena at dalawa nitong nakatatandang mga kapatid na sina Sarah at Samantha ay maagang naulila sa kanilang mga magulang. Their American dad died of heart attack when Serena was only five years old and five years later in 2000 ay sumakabilang-buhay naman ang kanilang Filipina mom of pneumonia. When they were still kids, ang kanilang maternal uncle ang siyang tumayong guardian ng magkakapatid na pare-pareho nang nasa ibang bansa ngayon.

Si Serena was still a kid nang siya’y kunin sa isang TV commercial ng isang kilalang food chain kasama ang actor na si Aga Muhlach. Ito ang naging daan niya para pasukin ang showbiz bilang child actress.

Serena received four different awards for her portrayal in the movie “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” na pinagbidahan ni Wilma Santos kasama sina Carlo Aquino, Ariel Rivera, Albert Martinez, Raymond Bagatsing at iba pa na pinamahalaan ng award-winning and veteran director na si Chito Rono in 1998. Ang mga ito ay ang Best Child Actress mula sa FAMAS, Best Supporting Actress mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Star Awards for Movies ng PMPC bilang Best New Actress of the Year at ang Best Supporting Actress mula sa Film Academy Awards.

Huminto man si Serena sa kanyang showbiz career sa Pilipinas, she will forever cherish the memories she had when she was in the Philippines laluna nung aktibo pa siya sa kanyang showbiz career.

Ang huling pelikulang ginawa ni Serena ay ang Ai-Ai de las Alas-starrer na “Ang Tanging Ina Mo (Last Na `To!)” in 2010 na dinirek ng yumaong box office director na si Wenn Deramas.

Kinu-consider ni Serena si Shaina Magdayao as one of her closest friends in showbiz.

Regine muling lumagda sa ABS-CBN

RegineRegine1MULING lumagda ng panibagong kontrata sa bakuran ABS-CBN ang Asia’s Songbird, singer, actress, TV host at celebrity endorser na si Regine Velasquez at ito’y nangyari last Friday, November 10.

It was in October 2018 when Regine transferred to ABS-CBN from GMA, her first home studio of long standing. Sumunod sa kanya ang kanyang mister, ang OPM King, ang singer, actor-comedian and TV host na si Ogie Alcasid na isa na ring Kapamilya. Ang mag-asawa ay araw-araw na napapanood sa telebisyon, si Regine bilang isang sa tatlong hosts ng “Magandang Buhay” morning show habang si Ogie naman bilang isa sa mga hosts ng noontime program na “It’s Showtime”. Magkasama naman ang dalawa tuwing linggo ng tanghali sa top-rating and longest-running musical variety show na “ASAP Natin `To”.

Ang mag-asawang Ogie at Regine ay kasama sa mga prized talents ng Kapamilya Network since 2018 and two of the most in-demand singers-performers hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa both as a pair or individual performers.

Gabby pabata nang pabata ang leading ladies

GabbyGabby1NAPAKA-SUWERTE ng ex-husband ng megastar na si Sharon Cuneta at ama ni KC Conception na si Gabby Conception na kahit malapit na itong maging isang senior citizen ay napaka young-looking pa rin hanggang ngayon at patuloy pa ring nagbibida sa kanyang mga ginagawang teleserye sa bakuran ng GMA.

Pabata nang pabata rin ang kanyang mga nakakapareha with Sanya Lopez as the youngest at 27 na dalawang beses niyang nakapatrabaho sa hit series na “First Yaya” and “First Lady”.

Sa kanyang bagong TV series sa Kapuso network ay dalawang Kapuso actresses ang kanyang leading lady who are almost half his age, sina Beauty Gonzales (32) at Carla Abellana (37).

Katatapos na pa lamang ni Gabby sa kanyang successful debut concert and his reunion project with his ex-wife, ang megastar na si Sharon Cuneta, ang “Deart Heart, The Concert” na ginanap sa SM MOA Araneta last October 27 na sinundan sa kanilang dinner concert sa The Grand Ballroom ng Okada Manila nung nakaraang October 30, 2023. Dahil dito, malaki ang posibilidad na muling magsama ang dating mag-asawa sa kanilang much-awaited reunion movie.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE