Lacuna1

Mayor Honey sa Manila LGU workers: Message ni PBBM isapuso

January 29, 2024 Edd Reyes 115 views

NANAWAGAN si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan sa lahat ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na isapuso ang message ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa rally ng Bagong Pilipinas noong Linggo sa Quirino grandstand.

“Bahagi ang inyo pong lingkod sa naganap na Bagong Pilipinas kick off rally at may ilang mga sinambit ang ating Pangulo na sa tingin ko akmang-akma sa araw-araw nating ginagawa dito sa ating lungsod,” sabi ng alkalde.

May mahigpit ding tagubilin ang Pangulo na madalas din niyang sinasabi sa mga empleyado–bawal ang tamad at makupad at walang dapat na mabagal at sagabal sa serbisyo publiko.

Sinabi ni Mayor Honey na naniniwala siya na mas magiging epektibo silang mga lingkod-bayan kung mabilis nilang maipaparating ang lahat ng mga programa, proyekto at serbisyo sa mga kababayang Manilenyo.

“Sabi ho niya, we are servants of the people and we are not the Lord. Sana po isapuso natin ang mga nabanggit niya. Ito rin naman po ang ating laging sinusumpaan kapag unang Lunes ng bawa’t buwan.

Mga ilang bagay lang na dapat pong isapuso ng bawa’t isa sa atin dahil lagi ko nga pong sinasabi, maliban sa ating sari-sariling pamilya, ang pamahalaan ang inaasahan ng ating mga kababayan,” sabi ng alkalde.

AUTHOR PROFILE