
Maynilad kinondena pagnanakaw ng tubig mula sa fire hydrant
SA isinagawang entrapment operation ng Anti-Fraud Division ng National Bureau of Investigation o NBI nitong Lunes, Abril 11, sa Maynila, nabisto ang pagnanakaw ng tubig ng isang fire truck driver sa fire hydrant ng Maynilad.
Base sa impormasyong nakalap ng ahensya, ibinebenta umano ang naturang nakaw na tubig sa iba’t ibang establisimento sa lugar tulad ng restaurant.
Ayon kay Palmer Mallari, hepe ng NBI Anti Fraud Division, ginagamit din diumano ang nakaw na tubig para bigyan supply ang mga swimming pool doon. Kasamang nahuli ng suspek ang isang barangay official na nagsilbing bantay habang kumukuha ito ng tubig. Samantala, kasalukuyang nasakustodiya na ng pulisya ang naturang suspek.
Samanta kinondena ng Maynilad ang naturang insidente.
“Mariin naming kinokondena ang ganitong Ilegal na gawain lalo pa sa panahon ngayonna kung saan mataas ang demand sa tubig. At isa pa, ang tubig na galing sa hydrant ay for emergency lamang katulad ng sunog. Ngayon, kung ito ay nanakawin kagaya ng nangyari sa Maynila, may epekto ito sa pagbaba ng water pressure na makaka-apektosa serbisyo patubig ng mga lehitimong customer. Aming hinihikayat ang publiko naireport sa amin ang ganitong mga ilegal na aktibidad,” saad ng Maynilad sa isang pahayag.