
Maxene Magalona may advice sa mga nasa ‘healing process’
NAGBIGAY ng mensahe ang aktres na si Maxene Medina para sa mga taong may pinagdadaanan at kasalukuyang nasa healing process.
Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Agosto 23, nagbahagi ng isang selfie at nagpahayag ang aktres na may mga tao raw na nagsasabi sa kanya na pinepeke lang raw niya ang pagiging masaya dahil malungkutin umano ang kanyang mga mata.
“I’ve been receiving comments that it seems like I’m faking my happiness because my eyes look sad,” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang Instagram post.
“People think that when you’re healing, you are not supposed to be sad anymore. That you should be healed, perfect and happy all the time. This is not what healing is about,” dagdag pa ni Maxene.
Binigyan ng aktres ng kahulugan kung ano ba ang nangyayari o dapat mangyari kapag naghe-heal ang isang tao.
Ani Maxene, “Healing happens when you can allow yourself to feel all your emotions, including the negative ones. When you can finally accept that sometimes, your eyes will look sad and that’s okay. It’s all about acknowledging and accepting what you’re feeling instead of denying or suppressing it.”
Paalala pa niya na huwag masyadong mag-alala sa magiging opinyon ng iba at huwag madaliin ang paggaling.
“Healing is a very sacred process that must be honored and never rushed. Please take your time and don’t worry about other people’s opinions. You are doing the necessary inner work while they are on their phones scrolling mindlessly on social media and leaving nasty comments. Pray for them,” mensahe ng aktres.
“Keep going and keep healing. The more you heal, the more your true colors will show,” dagdag pa ni Maxene.
Matatandaang sinabi ng aktres noong May 2020 na nagpupunta na siya ng psychiatrist dahil sa kanyang mental illness.