WHAT'S NEW

SEE ALL
Zeinab Larawan mula sa Instagram/@zeinab_harake

Zeinab Harake hiling mas maraming ‘bebe time’ with Ray Parks

August 23, 2023 People's Tonight 333 views

MAY hiling ang internet personality na si Zeinab Harake para sa kanila ng partner niyang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa Instagram stories ng Youtube vlogger nitong Martes, August 22, nagbahagi siya ng larawan kasama ang partner na basketbolista, nakasakay sila sa tila isang yacht at sunset ang background.

Makikita rin sa IG story ang lugar kung nasaan ang mag-partner.

โ€œ48 hours in Bali dahil sa kanya-kanyang busy sched sana nga mas madami tayong time para sa bebetime daddy @rayparks,โ€ pahayag ni Zeinab sa caption ng nasabing IG story.

Nito lamang August 15 ay nag-post din ang vlogger ng kanilang mga larawan habang nasa bakasyon sa Bali, Indonesia. Makikita pa nga sa mga larawan ang sweet moments ng dalawa.

Matatandaang nagsimula ang “dating” ng dalawa noong May ngayong taon pero opisyal na inanunsyo ni Zeinab at Ray Parks na sila ay couple na nitong buwan ng July.

AUTHOR PROFILE