
Max, celeb friends ang kasama sa 2nd b-day party ni Skye
CELEBRITY friends ang nakasama ng Kapuso artist na si Max Collins sa selebrasyon ng second birthday ng anak nila ni Pancho Magno na si Skye.
Naka-post sa Intagram ni Max ang ilang photos sa birthday ng anak na ginanap sa isang hotel.
Walang picture na nasa birthday ang asawa niyang si Pancho. Lalo tuloy lumakas ang bulungan na nagkakalabuan na silang mag-asawa, huh!
CITY OF STARS, ISINUSULONG NI CONG. ARJO
UMARANGKADA na si Congressman Arjo Atayde sa pagsusulong ng panukalang gawing City of Stars ang Quezon City.
Matagal na itong panukala sa Kongreso pero bigo ang nagsulong nito noon na magkaroon ito ng katuparan.
Gaya ng ibang rason ng nagpanukala noon, halos ganoon din ang mga dahilan ni Cong. Arjo.
Siyempre, kailangan maraming makumbinse ang kongresista sa mga kasama niya sa Kongreso pero marami pa itong pagdaraanan bago magkaroon ng katuparan.
It may be good, lalo na sa QC residents, na matupad ang panukala ni Cong. Arjo pero daanan siya tiyak na butas ng karayom bago ito maisabatas, huh!