Mavy

MAVY PINAIYAK SI CARMINA

May 6, 2024 Vinia Vivar 124 views

Pinaiyak ni Mavy Legaspi ang inang si Carmina Villarroel dahil sa maramdamin niyang early Mother’s Day greetings sa latest episode ng Sarap ‘Di Ba?

Sa mensahe ni Mavy ay nagpasalamat siya sa kanyang mommy at binigyan niya ito ng words of encouragement kaugnay ng mga negatibong komento na ibinabato sa kanila ng netizens.

“Happy Mother’s Day. Maraming salamat sa patience and understanding. We’re back on track, sana tuluy-tuloy lang ‘to. Feel ko ito ‘yung blessing na ibinigay ni Lord para sa atin, personally, as mother and son na duo,” simula ni Mavy.

Ipinakita si Carmina na nagsisimula nang maging emosyonal.

Patuloy ng young actor, “Kayang-kaya mo. ‘Di na kailangang magsalita, ‘di na need na i-justify or fight the criticism. Lahat ng criticisms or hate kasi wala ‘yun, bored lang sila sa buhay nila.”

Sey pa ni Mavy sa ina, hindi na nila kailangang lumaban pa sa mga kritisismo.

“At the end of the day, I know in their hearts kahit may criticism whatsoever, they all have their own mothers that they love. Kaya we don’t need to fight back,” he said.

Nagpasalamat din si Mavy na mayroon siyang inang tulad ni Carmina.

“I’m very thankful na I have a mother figure like you kasi nata-transfer ‘yun sa amin ni Cass,” he said,

“I guess itong turn of events, talagang naging malaking blessing para sa akin to realize a lot of things. Yes, it looks like na parang hindi tayo lumalaban whatsoever, but we don’t need to. Kasi ‘yung biggest, the strength that you have, is deep inside there na hindi nakikita ng mga tao.

“’Yung mga nakikita ng tao is ‘yung mga posts, mga comments, interviews, and all that. Pero hindi nila nakikita ang anong laman ng puso ni mama and that’s my biggest blessing kaya happy Mother’s Day,” dagdag pa ni Mavy.

Nang makita niyang umiiyak si Carmina ay natawa ang aktor.

“Haha, pinaiyak kita,” tila pangangantyaw ni Mavy kay Mina at mahigpit niyang niyakap ang kanyang ina.

Bukod kay Mavy ay nagbigay din ng Mother’s Day greeting kay Carmina ang isa pa niyang anak na si Cassy.

AUTHOR PROFILE