
Mavy matamis ang b-day message kay Kyline: ‘You’re like a pearl’
SA ika-21 kaarawan ng aktres na si Kyline Alcantara, nag-alay ng matamis na mensahe ang kaniyang onscreen partner at aktor na si Mavy Legaspi.
Nagbahagi ng ilang larawan ang aktor nitong Linggo, Setyembre 3, sa kaniyang Instagram page ng ilang sweet moments nila ni Kyline.
Tinawag pa ni Mavy ang nobya na kaniyang “cheerleader” at partner sa lahat ng bagay.
“Happy birthday to my forever cheerleader and partner in everything,” pahayag ng aktor sa simula ng kaniyang mensahe.
Blessing din ang turing ni Mavy kay Kyline at nagpapasalamat siya para rito.
“You are a blessing from God to me and I thank Him everyday that you came into my life. You deserve all the best in life, because you have a beautiful soul. Thank you for making me the happiest person on earth,” mensahe pa niya.
“All the things we have a gone through I’m glad I went through all of it with you,” dagdag pa ng aktor.
Sinabi ni Mavy sa onscreen partner na kakaiba ito sa lahat at kinumpara pa nga niya ito sa isang perlas.
“You are so special. You are definitely one of a kind… like what I told you before, ‘yes, there are plenty of fish in the sea… but you’re like a pearl that is one of a kind.'” wika ng aktor.
“I will always be by your side no matter what. You can count on me because I know I can count on you for life,” pahayag pa ni Mavy.
Sa huling parte ng kaniyang mensahe ay sinabihan niya ng mga salitang “mahal kita” sa salitang Bicol si Kyline.
“Padaba taka forever. Happy birthday, my wolfie,” wika ng aktor.
Ibinalik naman ni Kyline ang mensahe ni Mavy sa comment section at sinabi ring, “padaba taka, wolfie ko.”