
Matteo may special na ipinakain kay Sarah sa birthday nito
HINDI nakalimot ang singer, actor and entrepreneur na si Matteo Guidicelli na batiin ang kanyang lovely wife of more than three years, ang pop superstar na si Sarah Geronimo-Guidicelli who turned 35 last Tuesday, July 25.
“Can’t wait to explore more of the world with you!! Happy birthday my love!!,” pagbati ni Matteo sa kanyang IG account.
Next to Christmas, ayon kay Matteo ang July 25 na kaarawan ni Sarah ay isa umanong special occasion kaya ipinagluto niya ito ng special Italian pasta and lobster.
The popular celebrity couple have been married since February 20, 2020 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyaan ng baby.
Willie Nep yumao na
NAGSARA na ang telon sa sikat na singer-performer, stand-up comedian at impersonator na si Willie Nepomuceno na sumakabilang-buhay ngayong Miyerkules, July 26 sa edad na 75. Ang balitang ito ay kinumpirma ng kanyang anak on social media.
“To our family, loved ones, and friends, it is with deep sadness and heavy heart to announce the passing our of beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, 2023 a the age of 75. He has peacefully joined our Creator.”
Details of his wake will be announced soon. We ask for your continued prayers.
Thank you very much.”
Ilan sa mga kilalang personalidad which he impersonated include past presidents tulad nina late Ferdinand Marcos, Sr., Fidel Ramos, Joseph `Erap’ Estrada at Rodrigo Duterte.
Ian nagagamit na ang pagiging singer ngayon
DURING his prime, actor, singer, musician, painter, pilot and sportsman Ian Veneracion was the youngest action star the industry ever produced at inabutan pa niya ang peak noon ng local action movies.
Unknown to many, Ian is a licensed private pilot and also a painter, a singer-songwriter and musician apart from him being an actor. Mahilig din siya sa iba’t ibang water and outdoor sports tulad ng scuba diving, sailing, recreation fishing, paragliding, skydiving, morotorcross racing at iba pa.
Ian who is Stephen Ian Lopez Veneracion started as a child actor having worked with Joey de Leon in the 1982 weekly series, “Joey and Son” on RPN9.
Nang maging tinedyer si Ian, naging bahagi siya ng youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” hosted by the late Master Showman and star builder na si Kuya Germs (Moreno).
Through the program, he was contracted into an exclusive build-up star ng Seiko Films and eventually built him up as a young action star.
Although kumakanta na rin noon si Ian sa “That’s Entertainment,” hindi niya ito gaanong pinagbalingan ng attention until nung gawin niya ang TV primetime series na “A Love To Last” kung saan niya naging leading ladies sina Bea Alonzo at Iza Calzado where he was also asked to sing and record the soundtrack album of Jose Mari Chan’s own compositions and hit songs.
Since then, muling nabuhay ang interest niya sa pagkanta at musika na kanyang ipinagpatuloy up to the present time. Katunayan, bukod sa acting, pinagkakakitaan na niya ngayon ang kanyang singing career bilang concert artist and musician (guitarist) which brought him to various big venues hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
“Before I was scared, pero ngayon ay ini-enjoy ko na at nai-excite ako performing sa harap live audience” pahayag niya at the presscon ng kanyang upcoming concert sa Winford Ballroom in Winford Resort & Casino Manila sa darating na August 12, 2023 at 8 p.m. kung saan niya special guest ang singer, actress-comedienne at host na si Marissa Sanchez mula sa pamamahala ni Vergel Sto. Domingo.
Kung iba’t ibang popular actors ang kanyang nakakatrabaho sa telebisyon at pelikula, mga top concert performers and singers naman ang nakakasama niya sa iba’t ibang concerts na kanyang ginagawa tulad nina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez at iba pa.
“Ang maganda sa live concert, instant ang connection mo with the audience,” aniya.
Since ginawa na ring career ni Ian ang pagkanta and doing shows and concerts, may sarili na rin siyang band na parati niyang kasa-kasama. Pero hindi umano ito nangangahulugan na hindi na siya aktibo sa kanyang acting career which is his first love.
Christine ipinakilala na ni Nicoo sa pamilya sa Canada
FIRST boyfriend ng Vivamax star na si Christine Bermas ang Italian-American model-actor na si Nico Locco na isa ring Viva contract actor.
Ayon kay Nico, he’s a fan ni Christine at pinanood umano niya ang mga pelikula nito. Bukod sa pagpapa-seksi, magaling umanong umarte ang sexy star.
They never worked together before nang magsimula ang kanilang relasyon.
Katunayan, 17 months na silang magkasintahan at ipinakilala na ng model-actor si Christine sa kanyang pamilya sa Canada kamakailan lamang .
Ang dalawa ay magkasama for the first time sa pelikulang “Manyak” na pinamahalaan ng young director na si Carlo Alvarez at kung saan din tampok sina Sheree at Joko Diaz at palabas on Vivamax streaming app sa darating na August 4.
Since magkasintahan ang dalawa, kinailangan nilang sumailalim ng workshop para matanggal ang awkwardness sa kanilang dalawa sa set.
Si Christine ay third Filipina girlfriend ni Nico at pangalawa from showbiz.
Samantala, puring-puri nina Joko at Sheree ang work ethics ni Christine at kasama na rito ang kanyang pagiging mahusay umarte.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.