WHAT'S NEW

SEE ALL
Toni

Toni kay Direk Paul: Thank you for never leaving my side

July 26, 2023 Vinia Vivar 139 views

Sa kanyang Instagram Story nitong Martes ng gabi, July 25, ay may update si Toni Gonzaga hinggil sa kanyang pagbubuntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano.

Nag-upload ang TV host/actress ng larawan niya na nakahiga sa hospital bed.

โ€œSince the start of July itโ€™s been Home-Doctor-Home-Doctor for me. . .โ€ she wrote.

Pinasalamatan niya ang kanyang mister na hindi raw siya iniwan especially sa last stretch na ito ng kanyang pagbubuntis.

โ€œThank you for never leaving my side in this last stretchโ€ฆ needed you now more than ever. Thank you for being the best partner in this journey. Anytime nowโ€ฆlove you @paulsoriano1017,โ€ pahayag ni Toni.

Ni-repost naman ito ni Direk Paul sa kanyang IGS din at nilagyan ng caption na, โ€œKuya Seve and I are always here for you.โ€

Mukhang malapit na ngang manganak si Toni o baka nga napakapanganak na.

Anyway, tulad ng napabalita two weeks ago, hindi na si Direk Paul ang nagdirek ng 2nd State of the Nation Address ni Pres. Bongbong Marcos nitong July 24.

Matatandaang siya ang nagdirek ng 1st SONA ni PBBM last year.

Ayon sa balita, naka-leave si Direk Paul sa Malacaรฑang bilang Presidential Adviser on Creative Communications.

Marahil ay dahil nga sa nalalapit na panganganak ng misis.

Pero lately ay nasasangkot din si Paul sa samut-saring kontrobersiya at isa na rito ang issue with the entertainment press sa mediacon ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens dito sa Manila last March.

Wala pang sagot ang direktor sa lahat ng mga issue na kinasasangkutan.

AUTHOR PROFILE