Kris

Matapos kay Kris, VG Mark masaya na kay Aira

April 8, 2025 Aster Amoyo 267 views

Kris1AiraON and off ang naging relasyon ng Vice-Governor ng Batangas at tumatakbo ngayon sa pagka-kongresista sa ikatlong distsrito ng Batangas na si Mark Leviste sa tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino hanggang sa tuluyan na silang nagkahiwalay nung isang taon.

September of last year ay bumalik sa Pilipinas si Kris, her sons na sina Joshua and Bimby and her entourage but this time ay wala na sila ni Mark.

Nang magkahiwalay sina Kris at Mark ay ibinaling ng huli ang kanyang attention sa kanyang trabaho hanggang sa magkakilala sila ng Sparkle artist, athlete at content creator na si Aira Lopez. Eventually ay naging sila.

Although twenty years ang age difference ng dalawa, hindi ito issue kina Mark at Aira na nakilala na rin ang pamilya ng businessman at politician maging ang tatlo nitong mga anak (sa dating misis)na sina Arielle, Ronin at Conrad, Jr.

Nung nakaraang Valentine’s day, Mark treated Aira sa isang memorable dinner in Hong Kong. Ito bale ang unang Valentine’s date ng dalawa since maging sila.

Ang February 14 ay kaarawan din ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino na hindi niya nakalimutang batiin. Kahit wala na sila, hangad pa rin ni Mark ang agarang paggaling ni Kris sa kanyang sakit na tatlong taon na nitong iniinda.

Kahit wala na sila, kinu-consider pa rin ni Mark na magkaibigan pa rin sila ni Kris maging ang mga anak nitong sina Joshua at Bimby na napalapit din sa kanya.

“Love conquers all,” ito ang madalas sambitin ni VG Mark na super in love ngayon sa kanyang bagong kasintahang si Aira Lopez na isang Sparkle artist, content creator, athlete at dating flight stewardess.

Exes and first timers sa ABS-CBN Ball

CocoCoco1Coco2Pic1Pic3Pic4DUMALO sa katatapos pa lamang na ABS-CBN Ball 2025 ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes na siya umanong naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. May nagtanong tuloy kung nagkita-kita ba ang tatlo sa nasabing okasyon kung saan marami ring magi-ex ang naroon.

Magkasamang dumating ang bagong magka-loveteam and rumored sweethearts na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Naroon din ang ex-girlfriend ni Paulo na si Janine Gutierrez na malamang kasama ang boyfriend nito ngayon na si Jericho Rosales. Pareho ring nandun sa event ang mag-ex na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao pero kahit nagkahiwalay ay nanatiling magkaibigan hanggang ngayon. Sabay ding dumating ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto at naroon din ang dalawa sa kanyang ex girlfriends na sina Kim Chiu at Maja Salvador na kasama naman ang mister na si Rambo Nunez.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo sa nasabing okasyon ang megastar na si Sharon Cuneta kasama ang mister na si dating Sen. Francis `Kiko’ Pangilinan.

Naging star-studded and glittery man ang 2025 ABS-CBN Ball, masasabi ring gabi ito ng mga fashion designers na nagpatalbugan sa kanilang mga fashion designs na binigyang-buhay ng mga stars and celebrities na nag-suot ng kanilang mga creations.

Samantala, ang longtime partners na sina Coco Martin at Julia Montes ang nanguna sa red carpet ng 2025 ABS-CBN Ball na ginanap sa Solaire Resort North in Quezon City nung nakaraang Biyernes ng gabi, April 4, 2025.

Samantala, marami ang first-timer sa ABS-CBN Ball. Bukod kina Sharon Cuneta at mister nitong si former Sen. Francis `Kiko’ Pangilinan, first time din nakaranas sa red carpet ang mag-partner, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at Star Pop artist na si Chloe San Jose, ang PBB Gen 11 ex-housemates na pinangunahan nina Fyang Smith at JM Ibarra, ang BINI at BGYO members maging ang mga `tropa’ ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” na sina Renz `Baby Giant’ Bana, Sugar Ray `Mommoth’ Estroso, Mark `Big Mak’ Andaya, Smugglaz at Basilio na dumating in their tailored suits with matching sneakers.

Atty. Annette looking forward for more collab projects with ABS-CBN

PicKINATAWAN ni Atty. Annette Gozon-Valdes ang pamunuan ng GMA sa recently-concluded successful 2025 ABS-CBN Ball.

Looking forward si Atty. Valdes sa more successful collaborations between GMA and ABS-CBN.

Naging malaking tagumpay ang unang kolaborasyon ng dalawang giant TV networks, ang hit primetime TV series na “Unbreak My Heart” na tinampukan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia at Richard Yap which was aired on GMA. Kasunod dito ang airing ng #1 noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” na palabas ngayon sa GMA at siyang pumalit sa long-running noontime show na “Eat Bulaga” na nasa TV5 na.

Third major collaboration ng ABS-CBN at GMA ang record-breaking movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” na pinamahalaan ng box office director na si Direk Cathy Garcia-Molina at joint venture sa pagitan ng Star Cinema ng ABS-CBN ata GMA Pictures.

Ang pinakabagong kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA ay ang tumatakbo at sinusubaybayang bagong season ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Collab”.

Ngayong bukas na ang partnership at kolaborasyon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA, expect more collaboration projects in the days to come.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE