Default Thumbnail

Masbate niyanig ng magnitude 5.0 lindol

August 20, 2022 Jun I. Legaspi 357 views

INUGA ng magnitude 5.0 na lindol ang siyudad ng Masbate, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng ahensiya, bandang 3:22 a.m. ng maramdaman ang malakas na lindol sa siyudad ng Masbate.

Tectonic ang origin ng lindol at 15 kilometer ang lalim nito sa lupa.

Sa lakas ng lindol ay naramdaman ang Intensity V sa Masbate City; Intensity III sa Legazpi City, Albay; Irosin at Sorsogon City, Sorsogon, Mahaplag, at Leyte.

Intensity II naman sa Aroroy, Masbate, Tabasco, Albay at Intensity I sa mga lugar ng Naval, Biliran; Iriga City at Pili, Camarines Sur; Calubian at Ormoc City, Leyte; at Prieto Diaz, Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang posibleng “aftershocks” kaya pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar na nakaramdam ng paglindol.

AUTHOR PROFILE