
Marya sa mga artistang bet magpasampal sa kanya: Masisira ang mukha n’yo!
May payo si Maricel Soriano sa lahat ng mga artistang nagnanais na magpasampal sa kanya sa mga eksena.
“Naku, sabi ko, huwag. Masisira ang mukha niyo, sabi kong ganoon,” may halong biro na sabi ni Marya sa mediacon ng Linlang, ang bago niyang serye sa Kapamilya kasama sina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.
Sinasabi nga kasi na ibang klaseng manampal ang Diamond Star at maraming artista na ang nagpatunay nito.
We remember once na sinabi ni Gladys Reyes na muntik nang humiwalay ang kaluluwa niya nang masampal ni Maricel.
For one, hindi nga kasi dinadaya ni Marya ang sampal at tinutoo niya talaga.
Aminado naman ang premyadong aktres na hindi rin niya makontrol kapag nasa karakter na siya lalo na kung drama ang eksena.
“Kasi, ano, siguro kung comedy madadalian ako, ‘yung hindi masakit. Eh, ganito ‘pag drama hindi ko magawa ‘yung i-control kasi ‘yung galit ko, lahat nandoon,” she said.
Tulad na lang ng karakter niya sa Linlang kung saan ay si Kim nga ang latest na nasampal niya.
“Siyempre, nanay ka, dalawang anak mo tinuhog,” paliwanag ni Marya sa sampalan with Kim.
Sey pa niya, ipinaliwanag naman niya kay Kim na hindi talaga pwedeng hindi niya totohanin ang eksena nila.
“Hindi pwedeng hindi, alam ni Kim,” aniya.
“Mahirap i-fake ‘yun, eh. Kasi kailangan niyang maramdaman ‘yung galit ng nanay dahil dalawang anak ko, tinuhog mo,” dagdag pa ng Diamond Star.
Aniya pa, hindi naman daw ‘yung pisngi talaga ni Kim ang kanyang pinuruhan.
“Dito ko tinira sa ilalim (sa may panga),” sambit niya kaya nagtawanan lahat.
“Buhay pa naman ang molars ko,” natatawang sabi naman ni Kim.
Anyway, mapapanood na bukas, October 5, ang first two episodes ng Linlang sa Prime video.
Very Korean drama ang peg ng serye dahil every week ay may two episodes na mapapanood na tatagal ng seven weeks for a total of 14 episodes.