
MARYA, NILINAW ANG ISYUNG HATE NIYA ANG DRAG QUEENS
Nilinaw agad ni Maricel Soriano ang tweet ng isang netizen na hate niya ang drag queens.
Isang netizen kasi ang nag-post ng lumang video ni Maria kung saan ay makikita siya sa stage na kasamang nagpe-perform ang mga drag queen.
Ni-reenact nila ang eksena sa isang pelikula ng Diamond Star na may sampalan scene kaya naman sinampal din niya ang kaeksenang gay.
Tweet ng netizen, “Maricel Soriano hates drag queens. Look how hard she slapped a queen when brought up on stage.”
Nakita ito ni Marya at kagaad na sumagot.
“Accla baka akala ng iba totoo, ma cancel pa ko Echos!” paglilinaw ni Marya.
Bale ba ay siya ang isa sa mga magiging guest judge sa Drag Race Philippines Season 2 na magsisimula na ngayong Agosto 2.
Kaya naman mabuti na ring nilinaw agad ni Marya ang post kahit pa nga ipagpalagay nang joke lang ito.