Maris Larawan mula sa X/@MissMarisRacal

Maris may pa-ayuda sa DonBelle fans

October 13, 2023 People's Tonight 332 views

NAMAHAGI ng ayuda ang singer-actress na si Maris Racal para sa mga taga suporta ng “New Gen Phenomenal Love Team” na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang “DonBelle.”

Sa kanyang X (Twitter) account nitong Huwebes, Oktubre 12, ibinahagi ni Maris ang isang larawan kung saan makikita ang matamis na mga ngiti ng DonBelle.

Sey ng aktres sa caption ay “ayuda” para sa fans ng nasabing love team.

Inulan naman si Maris ng pasasalamat mula sa mga tagahanga sa comment section ng post.

“AMBAIT MO PO TALAGA.”

“SOBRANG bait talaga ni Irene kay Caroline EME. hahahaha! Thank you po, Ms. Maris.”

“Huy salamat sa ayuda madam.”

“Maraming salamat maris. We appreciate this sobra.”

Magkasama sina Maris at ang DonBelle sa seryeng “Can’t Buy Me Love”, kung saan gumaganap siya bilang kontrabida.

Ayon kay Maris ito ang kauna-unahang kontrabida role niya sa TV.

AUTHOR PROFILE