Mark Leviste

VG Mark, suot pa rin ang regalong singsing ni Kris

October 13, 2023 Vinia Vivar 304 views

Kahit nagbigay na ng pahayag si Kris Aquino na wala siyang karelasyon ngayon, sinabi ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na wala pa ring nagbabago sa pagmamahal niya rito.

Sa panayam ng entertainment columnist/vlogger na si Aster Amoyo kay VG Mark sa latest episode ng vlog nito na “TikTalk with Aster Amoyo,” natanong ang politiko kung kumusta na ang kalagayan ng puso niya ngayon.

“The last time I checked, I left my heart in America,” ang natatawang sabi ng bise gobernador.

Hindi na raw kailangang sabihin kung saang parte ng Amerika dahil alam naman na siguro ito ng mga tao.

As we all know ay matagal-tagal na ring nasa Los Angeles si Kris para sa kanyang medical treatment.

Bagama’t wala ring binabanggit na pangalan ay obvious namang si Kris ang kanilang pinag-uusapan.

Sey pa ni VG Mark, “Sa aking pagkakaalala, ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko.”

Natanong din kung dumating ba sa time na nag-propose siya sa taong mahal niya at hindi na sinagot ni VG Mark ang tanong.

“I’ll tell you off-air,” sey niya.

Pero inamin niyang ready siya anytime to settle down with the person he loves since alam naman din ng lahat na annulled na ang kasal niya sa dati niyang asawa.

Asked kung gaano niya kamahal ang taong mahal niya, sey ni VG Mark, “Can I keep that private?” sabay-tawa.

“But I think, I cannot deny my expression, even my joy says it all. So, I’m proud of where I am, I’m proud of my love, I’m proud of what we have,” he said.

Sa tanong kung hindi naman nagbago ang kanyang pagmamahal, aniya ay hindi raw.

“As far as I’m concerned, walang nagbago sa akin,” sey ng politiko.

Tanong ulit ni Tita Aster, “Mahal mo pa rin siya?”

Natawa si VG Mark and said, “Mahal ko siya.”

Iginiit din niya na genuine ang kanyang feelings for Kris, again without mentioning her name.

Pinuna ni Tita Aster na suot pa rin ng Batangas Vice Governor ang Trinity ring na bigay ni Kris.

Sey niya, “Through thick or thin, Tita Aster, lagi ko pong suot ang singsing na galing sa kanya. To symbolize, to show my love, my value for friendship and my fidelity.”

Medyo naguluhan kami sa mga sinabi ni VG Mark. Nagkabalikan ba sila ni Kris? Or nag-break ba talaga sila?

Matatandaan kasing kamakailan lang ay sinabi ni Kris that she’s not in a relationship.

“I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL. No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed,” ang pahayag ni Kris sa Instagram.

Mayo ng taong ito kinumpirma ni VG Mark ang relasyon nila ni Kris and since then ay off and on ang relasyon nila base na rin sa mga post ni Tetay.

AUTHOR PROFILE