
Marian kinaiinggitan ang kaseksihan
SIMPLENG tingnan ang suot na green gown ni Marian Rivera nang dumalo siya sa event ng isang magazine upang tanggapin ang award niya bilang isa sa People of the Year 2025.
Pero nagniningning ang GMA Primetime Queen sa kanyang suot, na ayon sa netizens, eh, sa isang Asian country nagmula, huh!
Maliit na bag lang ang dala ni Yan pero sapat na ito para kainggitan siya ng marami. With two kids, aba, seksing-seksi siya’t kalaway-laway pa rin, huh!
This time, walang kaugnayan sa showbiz work ni Yan ang natanggap niyang award kaya super proud siya.
Congratulations, Yan!
Miel naninibago sa kasikatan
UNASSUMING ang bagong singer na si Miel Sol nang ipa-interview ng Viva Records. Ang latest single kasi ni Miel na “Sa Bawat Sandali,” eh, nag-number one sa Spotify PH charts, huh!
Ang “Sa Bawat Sandali” ang official soundtrack ng Viva One series na “Ang Mutya Ng Section E,” na pinagbibidahan nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.
Featured din ang AshDres sa video ng kanta na milyon din ang views.
Sa kasikatang nadarama, “Bago po ito sa akin. Hindi po kasi ako sanay na mapunta sa charts. First time ko kaya sobrang thankful ko,” simula ni Miel, na graduate sa kursong BS Mathematics at sa corporate world nagtatrabaho.
Musically-inclined ang kanyang family kaya naman very supportive sila sa kanya pati ang kakambal niyang si Axel.
Para sa kanya, ‘yung feeling after ng kilig moment matapos magkainlaban ang gusto niyang ipadama sa kanta niya.
Ang breakout hit ni Miel na “Di Na Akin” ay may 2.5 million streams habang ang “Ikaw Lang Ang Patutunguhan” ay may 17.1 million streams at nasa 7th spot sa Spotify viral PH charts.
Ang latest single naman niyang “Sa Bawat Sandali”, may 25.4 million streams at nanguna sa longest-running number 1 song sa Spotify Viral 50 Philippines Chart History.
May iba pa itong achievements, huh!
Dahil graduate ng BS Math, alam na ni Miel kuwentahin ang kinikita niya sa mga kanta niya.
Congrats, Miel!