
Heaven at Kiko nailang nang muling magkaharap
HINDI ikinakaila ng “Lilim” star na si Heaven Parelejo na may ilangan factor umano sa muli nilang paghaharap sa set ng TV adaptation ng pelikulang “Lumuhod Ka sa Lupa” na pinagbibidahan ng kanyang ex-boyfriend na si Kiko Estrada. Kamakailan lamang pumasok ang character ni Heaven maging ng kanyang boyfriend ngayon, ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo. Pero dahil pareho umano silang professional actors, kailangan nilang gawin ang hinihingi ng kanilang role at ng director.
Heaven admits na hindi pa rin umano sila magkaibigan ni Kiko since their short-lived romance and break-up in 2021.
In 2019 ay naging kasintahan ni Heaven ang panganay na anak ng boxing icon at dating senador na si Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao pero hindi rin ito nagtagal dahil pareho pa umano sila mga bata.
Unang nakilala si Heaven ng publiko nang siya’y maging housemate ni Kuya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” nung 2016 kung saan din kabilang sina Marco Gallo, Edward Barber, Maymay Entrata (na siyang tinanghal na Big Winner) at iba pa.
Aminado si Heaven na sa loob pa lamang umano ng Bahay ni Kuya ay nagkakagustuhan na sila ni Marco pero dahil pareho pa umano silang mga bata ay hindi ito nag-prosper lalupa’t nag-voluntary exit siya dahil sa kanyang ina na sasailalim noon ng operasyon dahil sa kanser.
Nang magtapos ang “Pinoy Big Brother: Lucky 7” ay magkakaiba na ang kanilang direction. Sandaling naging kasintahan ni Marco ang unica hija ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana at kasunod na rito ang pansamantalang pagtalikod ni Marco sa showbiz when he returned to his hometown in Italy pero bumalik siya pagkalipas ng anim na buwan. As fate would have it, muling nag-krus ang landas nina Heaven at Marco sa bakuran ng Viva Artists Agency kung saan sila pareho nakakontrata ngayon. Ang dalawa ay pinagsama ng Viva sa unang university series na “The Rain in Espana” kung saan kinagat ng mga manonood ang kanilang tambalan. Ito’y sinundan pa ng “Safe Skies, Archer,” “Chasing in the Wild,” “For the Love: Kahit Kailan” maging ang mga pelikulang “The Ship Show,” “Men are from QC, Women are from Alabang”. Nung 2019 ay nagsama rin sila sa pelikulang “Familia Blondina”pero wala pa umanong spark sa kanilang pagitan. Nagsimula lamang silang maging close muli nang sila’y muling magsama sa series ng “The Rain in Espana”.
Although tanggap ang tambalan nina Heaven at Marco, they also do individual projects.
Lumutang ang husay ni Heaven bilang actress nang kanyang gawin ang 2022 Metro Manila Film Festival movie na “Nanahimik ang Gabi” with Ian Veneracion and Mon Confiado where she got numerous Best Actress nominations sa iba’t ibang award-giving bodies at kasama na rito ang Asian Academy Creative Award for Best Performance by a Lead Actress.
It was in April 2023 when Heaven joined Viva kung saan naging sunud-sunod ang kanyang mga TV and movie projects at kasama na rito ang top-rating primetime TV series na “Linlang” kung saan tampok din sina Kim Chiu, Paulo Avelino, Maricel Soriano at JM de Guzman na pare-parehong mahuhusay na actor.
In 2024, si Heaven ang tinanghal na Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. On the same year ay ginawa rin niya ang movie adaptation ng K-movie na “Sunny” kung saan naman niya nakabituin sina Vina Morales, Angelu de Leon, Bea Binene at iba pa na pinamahalaan ni Jalz Zarate.
Hindi pareho matandaan nina Heaven at Marco ang petsa ng kanilang pagiging magkasintahan pero umaasa sila na sana’t magtagal ang kanilang relasyon at lalo pa umanong mag-grow ang kanilang respective careers.
Amiel seryoso sa kanyang musika
HUMARAP ang twenty-six year-old singer-songwriter and B.S. Math graduate sa University of the Philippines (Diliman) na si Amiel Sol sa ilang select entertainment media and vloggers para ibahagi ang kanyang gumagandang music career sa bakuran ng Viva Records.
Si Amiel ang singer-songwriter ng hit song na “Sa Bawa’t Sandali” na siyang theme song ng hit series on Viva One, ang “Mutya ng Section E” na tinatampukan ng bagong umuusbong na love-team nina Andres Muhlach at Ashtine Olvida.
Ayon sa fast-rising singer-songwriter, nasa high school pa umano siya nang magsimula siyang sumali sa Battle of the Bands along with his high school friends. Pero nang sila’y sumampa sa college ay nag-iba na umano ang direksyon ng kanyang mga kasama pero ipinagpatuloy umano niya ito kahit busy na rin siya noon sa kanyang pag-aaral sa U.P.
During the pandemic ay nagsimula umano siyang sumulat ng mga kanta and his first uploaded song ay pinamagatang “Fading Away”.
When he graduated from college in 2023 at sandali umano siyang nagtrabaho bilang data analyst ng Task Us, isang offshore company but quit his job ngayong February lamang to concentrate sa kanyang career bilang singer-songwriter dahil nagiging madalas na rin umano ang kanyang gigs laluna sa out of town shows.
“Gusto ko pong maging fulltime musician,” anya.
“Ayoko pong sayangin ‘yung magagandang opportunities na dumarating sa akin ngayon,” pag-amin pa niya. “At masaya po ako sa ginawa ko,” dugtong pa niya.
Nang mag-concert sa Big Dome si Arthur Neri maging ang Cup of Joe, siya ang ginawang front act kaya it was his very first chance na mapanood ng malaking audience sa Araneta Coliseum.
“Sana po someday ay magawa ko rin po `yun,” pahayag niya na ang ibig sabihin ay siya naman ang nasa front line.
Amiel has 4.7M listeners ng kanyang music na kahit siya man ay nagulat.
“Hindi ko po alam na ganito ang magiging response ng mga nakapakinig na sa songs ko.
Since he started his singing and writing career ay nakapag-record na umano siya ng 14 singles at patuloy umano siyang magsusulat na ang ginagawa niyang inspirasyon ay ang kanyang personal experiences and that of his friends at `yung mga nangyayari sa kanyang paligid.
Lahat umano ng kanyang mga sinusulat na kanta ay ginagawa niyang inspirasyon ang kanyang pamilya at kasintahan of six years.
Samantala, napag-alaman namin na may twin brother si Amiel na si Axel. Although musically inclined din umano ito, mas gusto nitong mag-focus sa kanyang pagiging fitness coach kung saan siya nagi-enjoy nang husto.
Amiel describes his music genre as indie-folk.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.