Marian: ‘I only endorse products I really use’

June 30, 2023 Aster Amoyo 626 views

Marian1Marian2Marian3ISANG grand welcome ang sumalubong sa Kapuso primetime queen na si Marian Rivera as the sole brand ambassador ng bagong sub-company ng Beautederm, ang The Beautiful Life Corporation with its premier product line, BlancPro na ginanap sa Luxent Hotel in Quezon City nung nakaraang Huwebes ng tanghali.

Although si Marian ang mukha ng home products ng Beautederm, Rei Anicoche-Tan, president-CEO ng kumpanya, decided na gawing brand ambassador si Marian as the face of BlancPro, another beauty product line but distinct sa mga produkto ng Beauteaderm na established na sa market.

With the huge following ni Marian and Rei’s expertise in marketing and promoting the products, BlancPro is most likely to follow the success of Beautederm lalupa’t mas affordable ito but without sacrificing the quality.

This August, Beautederm , the leading beauty product line in the country today will celebrate it’s 14th anniversary with 84 stores nationwide and in Singapore with distributors and resellers in other countries as well.

Samantala, natutuwa si Marian sa patuloy na tagumpay ng kaibigang si Rei Anicoche-Tan at sa patuloy ding paniniwala sa kanya bilang brand ambassador ng kanyang mga produkto.

“I only endorse products na pinaniniwalaan at ginagamit ko mismo,” pahayag ng misis ni Dingdong Dantes.

Bukod sa pagiging in-demand celebrity endorser, Marian is preparing for a reunion movie project with her husband, ang “Rewind” under Star Cinema at isang bagng TV series na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion.

Sa kabila ng pagiging abala nila ng kanyang mister na si Dingdong sa kanilang respective careers, the couple makes it a point to spend quality time with their two lovely kids na sina Zia at Ziggy at bilang mag-asawa.

Parehong hands-on parents sina Marian at Dingdong sa kanilang mga anak at hindi sila puwedeng mawala sa mga special occasions and journeys ng mga bata na mahalaga sa kanila as parents.

Samantala, inamin ng Lady Boss ng Bautederm and BlancPro na si Rei that she is a big fan of Marian at minsan din niyang pinangarap na makuha ang Kapuso star bilang brand ambassador ng kanyang beauty product line at ito’y natupad.

Si Marian (at mister nitong si Dingdong) ay hindi lamang brand ambassador ng Beautederm house product line maging ang bagong launch na BlancProd kundi nagkaroon na rin sila ng personal na relasyon bilang close family friends.

Dolly member na ng Oscars

DollyTULAD ni Lea Salonga na nagdala sa Pilipinas ng maraming parangal at pagkilala mula sa ibang bansa, ito’y nangyayari ngayon sa 54-year old theater, television and film actress na si Dolly de Leon na nabago ang buhay since last year magmula nang siya’y maging bahagi ng award-winning international film na “Triangle of Sadness” mula sa panulat at direksyon ng Swedish writer and filmmaker ni Ruben Ostlund.

Si Dolly na nagtapos ng BA in Theater Arts sa University of the Philippines in 1995 ay nag-audition without an agent na maging bahagi ng “Triangle of Sadness” without expectation. Wala siyang kaalam-alam na ito ang magbabago ng kanyang buhay overnight.

Hindi lamang siya natanggap as one of the members of the cast ng movie kundi isang major supporting role ang ipinagkatiwa sa kanya that led her winning the Best Supporting Actress award from the Los Angeles Film Critics Award, same award from Gubbage Awards at North Dakota Film Society at sa MIggleburg Film Festival Awards as Breakthrough Performer Award. It also made her as the first Filipino actor to have been nominated bilang Best Supporting Actress sa British Academy Film and Television Awards (BAFTA) maging sa Golden Globe Awards. Apart from all these, she received 14 other nominations as Best Supporting Actress mula sa iba’t ibang international award giving bodies tulad ng National Society of Film Critics (of which she was a runner-up), Columbus Film Critic Assocation, Discussing Film Critics Awards, Dorian Awards, International Cinephyle Society Awards, Latino Entertainment Journalists Association, London Film Critics Circle, Online Film Critics Society, Portland Critics Association, San Francisco bay Area Film Critics , Satellite Awards and Vancouver Film Critics Circle.

Most recently, Dolly was invited to become a member ng The Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS) na siyang nasa likod ng annual Oscars

Although sa teatro nagsimula si Dolly with the late actor-director and National Artist na si Tony Mabesa as her mentor, siya’y nakagawa na rin ng maraming pelikula but mostly bit and supporting roles. She made a special guest appearance sa hit primetime TV drama series na “Dirty Linen” and is now filming “A Very Good Girl” with Kathryn Bernardo na pinamamahalaan ni Petersen Vagars under Star Cinema and is soon to start her follow-up international film sa tulong ng Fusion Entertainment, her international management company kung saan siya ngayon nakakontrata.

Samantala, kahit kilala na si Dolly sa ibang bansa at meron na siyang international agent, gusto pa rin niyang gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas and to work with various Filipino filmmakers and actors.

Highlight sa 20th anniversary ni Christian

ChristianSINGER-songwriter, theater and TV actor-host Christian Bautista is celebrating his 20th anniversary in the entertainment business this year.

It was in 2023 nang maging isa sa mga finalists si Christian sa reality singing competition na “Stars In A Million” ng ABS-CBN kung saan si Erik Santos ang tinanghal na grand winner with him as 3rd placer. Pero hindi man siya ang tinanghal na kampeon ay ito naman ang nagbukas sa kanya sa maraming opportunities at kasama na rito ang pag-sign-up sa kanya ng Warner Music Philipines bilang recording artist and came up with his multi-platinum debut album entitled “Christian Bautista” which spawned hit signature hit songs na “The Way You Look at Me” at “Hands To Heaven” na hindi lamang sa Pilipinas tinangkilik kundi maging sa iba’t ibang South East Asian countries including Indonesia where he is so popular.

Almost all the albums ni Christian were also released in South East Asia at kasama na rito ang “Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan”.

Dahil sa kanyang huge following in Indonesia, naging suki na rin ang singer, actor-host sa iba’t ibang TV show sa nasabing bansa and she had a duet with an Indonesian popular singer na si Bunga Citry Lestari ng sarili nilang verion ng “Please Be Careful With My Heart” ni Jose Marie Chan who is also very popular in Indonesia.

Bukod sa kanyang almost a dozen albums under Warner Music Philippines and Universal Music, nakagawa rin si Christian ng ilang hit musical plays tulad ng “The Lion, The Witch & the Wardrobe,” “Joseph The Dreamer,” “West Side Story,” “Rama Hari,” “Cinderella” and “Ghost: The Musical” and quite a number of TV series and films.

After “Stars In A Million” ay naging bahagi siya ng “ASAP” musical variety show ng ABS-CBN and after ten years with the Kapamilya work ay lumipat siya sa bakuran ng GMA kung saan siya under contract hanggang ngayon.

Bukod sa “All Out Sundays” kung saan siya mainstay, si Christian ay isa rin sa resident judges ng seasonal reality singing competition na “The Clash” along with Ai-Ai de las Alas at Lani Misalucha on GMA.

Samantala, isa umano sa mga highlights ng kanyang 20th anniversary ay nang makilala niya ang kanyang wife na si Kat Ramnani na nakilala niya in 2015 and proposed to her in Venice, Italy nung October 20, 2017 and married her in Bali, Indonesia nung November 17, 2018.

Although magli-limang taon na rin ang kanilang pagsasama ni Kat bilang mag-asawa, they are still waiting for God’s blessings na mabigyan sila ng anak.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE