
Marco, ‘di pa pinakikilala ni Cristine sa pamilya
Ni-reveal ni Ara Mina na seven months na hindi nagpapakita sa kanya at sa pamilya nila si Cristine Reyes.
Of course, aware siya na karelasyon ngayon ng younger sister ang aktor na si Marco Gumabao dahil umamin na nga ang dalawa at masaya siya para sa kapatid.
“I’m very happy, nakikita ko sa kanya, happy siya,” sabi ni Ara.
“But honestly, ang last na kita ko sa kanya, December. I haven’t seen her for seven months na. Maybe, I’m busy din sa work pero hindi rin siya nakikita ng family namin, eh,” dagdag niya.
So, hindi pa naipapakilala ni Cristine sa kanya si Marco?
“Pasalamat na lang siya, nakilala ko na si Marco (sabay-tawa). Dapat may soap kami ni Marco,” sabi ni Ara.
Kung si Marco ay naipakilala na ang girlfriend sa parents at kapatid nito, si Cristine ay hindi pa dinadala sa pamilya niya ang aktor.
“Willing naman kami, kumbaga, ‘yung family ko, willing makilala si Marco, it’s just that, hindi pa niya ipinapakilala. O, eh, it’s her choice,” sey ni Ara.
Marami na nga raw okasyon at family gatherings ang nagdaan pero ‘no show’ si Cristine.
“Nag-birthday ako, nag-Father’s Day. Dahil may work daw siya, so, antay na lang kami. Sanay na kami sa kapatid ko, eh,” tsika niya.
Sey pa niya, ganyan si Cristine kapag nai-in-love.
“Ganyan ‘yan pag super in-love, eh. Parang wala, missing in action sa family,” pagbubuking ni Ara.
Kasunod nito ay nagbigay pa siya ng mensahe kay Cristine na ‘wag magagalit sa sinabi niya.
“I’m just telling the truth. Hoy AA (tawag kay Cristine), ‘wag ka magalit. It’s true. Pero okay lang kung ano. At least, magpakita ka lang din kay Mommy, sa Daddy,” mensahe ni Ara kay Cristine.
Of course ay boto naman daw siya kay Marco para kay AA basta’t alagaan daw ng aktor ang kanyang kapatid dahil hindi naman biro ang dinaanan ni Cristine at deserve niya na maging happy.
Samantala, first time makasama ni Ara sa isang pelikula si Ai-Ai de las Alas.
Ito ay tungkol sa Alzheimer’s Disease mula sa direksyon ni Louie Ignacio under 3:16 Media Network.
Kasama sa cast ang veteran actress na si Liza Lorena at ang Viva actress/scriptwriter na si Quinn Carillo.