Rocco

Rocco, muntik mabiktima ng basag-kotse gang

July 5, 2023 Vinia Vivar 339 views

Muntik nang mabiktima ng basag-kotse gang si Rocco Nacino nang magpunta sila ng kanyang pamilya sa Manila Ocean Park kamakailan.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng Kapuso actor ang karanasan to create awareness para sa kaligtasan ng lahat.

“Hello Manila Ocean Park, I am making this post for the safety of your customers and for the welfare and security of Manila Ocean Park.

“Yesterday, July 2, we visited Ocean Park with my family. We were 2 cars and since it was a hectic day, we brought a driver with us. As he brought us to the drop off area where my parents were waiting for us, everything went smoothly and I instructed our driver to head to the parking area of Ocean Park and rest for a while. while we were inside, our driver took a nap and turned off the engine of the car. Since hindi sanay matulog sa car, mababaw ang tulog niya,” simulang kwento ni Rocco.

Maya-maya ay may umiikot na raw na mga tao sa kotse habang natutulog ang kanyang driver.

“A little later, two cars parked in front of him, and out came seven individuals, 5 of them male and 2 female. They started circling around the car, slowly peeping inside. obviously looking for something. Our driver got nervous and started to fake his sleep, but he was slowly watching them. He heard from one of the men, saying, ‘may tao ba? May makukuha ba?’ Which the woman replied, ‘meron pala, natutulog.’

“They started to exchange looks kung itutuloy nila o hindi. But then chose to drive away nalang,” lahad ni Rocco.

Mabuti na nga lang daw at nasa loob ng car and driver niya dahil kung wala, baka binasag na ang salamin ng sasakyan.

“If my driver wasn’t there, basag ang windows ko niyan, kinuha na lahat ng valuables sa loob lalo na at kitang kita na maraming baby stuff inside.

“If pumalag ang driver ko, most probably may baril ang mga lalaki na de kotse pa,” anang aktor.

Nilinaw niya na hindi niya ito pinost para i-bash ang park kundi para ipaalam sa management na may mga ganitong insidente at nang sa gayun ay madagdagan din ang security sa lugar.

“Posting this not to bash ocean park. But please, bump up your security. Increase roving around the parks inside and outside the park. Please invest on your security, lalo na maraming tourists na dumadalaw sa park and hotels,” aniya.

“Napakswerte namin nung araw na iyon. I was supposed to withdraw some money and lock it in the compartment. Buti nalang hindi ko tinuloy. Kapag napagtripan kami, at nabuksan yun, goodbye pera,” sey pa ni Rocco.

Nagbigay din siya ng babala sa mga pamilyang namamasyal sa park na huwag mag-iwan ng valuables sa sasakyan.

“For the families visiting Manila Ocean Park, PLEASE DO NOT LEAVE ANY VALUABLES INSIDE YOUR CAR. Mabuksan man nila, basta wala sila makuha na valuables.

“Stay safe everyone. Di na biro ang mga nilalang na gumagawa ng masama, kung ano man ang rason nila para gawin iyun. Karma nalang bahala sa kanila. Pero sana marealize nila kapag tinuloy nila mga gawain nila, napaka traumatizing sa mga families ang ginagawa nila.

“To everyone reading this, please share to friends na may balak pumunta ng ocean park,” aniya.

Sa huli ay nagbigay din siya ng mensahe sa Ocean Park.

“Ang laki laki ng kinikita niyo Ocean Park, invest naman kayo in safe parking spaces and number of security guards,” payo ni Rocco sa management.

Kaagad namang nag-reach out ang Manila Ocean Park sa comment section ng post ni Rocco.

Nagpasalamat sila sa pagbibigay-alam ng aktor at nagsabing pinaiimbestigahan na nila ang nangyari. Sinigurado rin ng management na mas paiigtingin pa ang seguridad sa lugar.

“Greetings from the Bay! Mr. Nacino. We thank you for your invaluable feedback. We assure you that the safety and security of all patrons, guests and employees of the Manila Ocean Park (MOP) are top priority. MOP implements security measures and protocols within the park, including its parking facilities to guard against criminals and unscrupulous individuals. We appreciate the public’s vigilance and cooperation in thwarting these elements. Rest assured that MOP is currently evaluating the reported incident and will look into ways to further improve the security measures in place. Again, thank you and hope to SEA you back at MOP!” pahayag ng MOP.

Nagpasalamat naman si Rocco sa management for the prompt response pero mukhang hindi muna raw siya bibisita sa nasabing pasyalan because of the poor security.

“Thank you for the prompt response!! Apparently, with the recent incident, safety and security were not prioritized at all. No CCTV. Only one person (according to the comments) in charge of the whole parking area. Another visit to MOP will most likely not be possible anytime soon given the danger the poorly organized parking and security MOP has. May the comments help in restructuring the overall security of the whole compound. Sayang, lots of potential pa naman, pero delikado nga lang pumunta at marami pang batang pumupunta. Looking forward to hopefully another visit soon but with peace of mind this time,” ang sagot ni Rocco sa pahayag ng MOP.

AUTHOR PROFILE