isko

Maraming salamat sa serbisyo, malasakit Francis ‘Kiko’ Naguit

December 27, 2021 Jonjon Reyes 1777 views
Tagle
Ito ang mga larawan ni Francis “Kiko” Naguit kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan tulad ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Cardinal Luis Antonio Tagle.
Mga kuha ni JON-JON REYES

BISPERAS ng pasko ng magulat ang lahat ng mga kaibigan at kasama sa trabaho ni Francis ‘Kiko’ Naguit ng maputukan ito ng ugat sa ulo o aneurysm bandang 9 a.m.

Umabot ng halos tatlong araw sa hospital si Naguit bago ito binawian ng buhay sa kanyang tahanan.

Kilala si Naguit na mabait, matulungin at masayahin sa kanyang trabaho. Noong Dekada 90s nang ma-assign siya bilang police reporter ng RPN-9 sa Western Police District na ngayon ay Manila Police District (MPD) sa U.N Ave, Ermita, Manila.

Naging malapit at palakaibigan sa mga kapulisan ng MPD, politiko at katrabaho si Naguit.

Naging kaibigan niya sina dating Peoples Journal Tonight (PT) Chief Photographer Edong Reyes at mga kilalang photographer ng PT na si Mar Empaynado (na namayapa na), Ric Reyes, Rene Crisostomo ng Remate, DENR Usec. Benny Antiporda, PCOO Usec. Joel Egco, Sec. Martin Andanar, NPC President Paul Gutierrez, batikang kolumnistang si Erwin Tulfo at iba pang mga mahuhusay at magagaling na editor at mamamahayag.

Naging malapit na kaibigan din ni Naguit ang mga PNP officials tulad nina NCRPO Chief. Maj. Gen.Vicente Danao Jr, MPD Chief PBGen. Leo M. Francisco, mga dating chief PNP at mga retirado at naging Director ng MPD, ganun din ang mga kilalang public servants tulad ni dating Manila Mayors Alfredo Lim, Lito Atienza, Joseph Estrada at kasalukuyang Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, mga konsehal at congressman.

Si PGFLEX CEO Nelson Guevarra ay naging malapit niyang kaibigan simula pa noong 2000.

Taong 2000 ng maging pangulo ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) si Naguit. Umupo ito ng halos isang dekada bilang pangulo at muling bumalik ng 2014. Nagtapos ang kanyang termino noong 2016. Nang magkaroon ng pandemya noong 2020 ay muli siyang tinanghal bilang Interim President ng MPDPC.

Si Naguit ay isa rin sa manunulat at reporter ng People’s Tonight at People’s Journal ng Journal Group of Publications.

Lagi niyang payo ang “STAY HUMBLE”at “PINAPATATAG KA LANG NG NASA ITAAS” sa mga humihingi sa kanya ng tulong at advice.

Si Naguit ay ipinanganak noong December 18,1952.

Pumanaw siya no0ng December 27, 2021. Ibuburol ang kanyang mga labi sa St. Peter‘s Funeral na matatagpuan sa LaLoma C3, Quezon City.

“PAALAM PO SIR FRANCIS “KIKO” NAGUIT. MARAMING SALAMAT PO SA SERBISYO AT MALASAKIT,” ang nag-iisang sigaw ng kanyang mga kapamilya, kaibigan, katrabaho at mga natulungan.

AUTHOR PROFILE