Default Thumbnail

Maraming gagawin mga senador

June 7, 2022 Erwin Tulfo 363 views

TulfoSANDAMAKMAK na trabaho ang nag-aantay sa mga senador sa pagbubukas ng Senado sa darating na Hulyo.

Maraming mga batas ang dapat ipanukala at aprubahan lalong-lalo na sa pandemic recovery na siyang priority agenda ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

Kailangang-kailangan ang mga batas na magbibigay ng kapangyarihan sa pangulo para malayang magawa at mailatag ang mga plano niya sa pandemic at economic recovery na rin.

Batid ni BBM na maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at mga negosyo na nagsara noong pandemya dahilan para bumagsak ang ekonomiya natin.

At kapag mahina o bagsak ang negosyo at kalakalan, maliit ang kikitain ng pamahalaan sa mga buwis.

Sa mga nakokolektang buwis nanggagaling ang national budget.

Dito kailangan ng ehekutibo ang tulong ng dalawang kapulungan para magbalangkas ng batas para makapaglikha ng maraming trabaho at pagpapasigla ng ekonomiya.

Malinaw ang gusto ni Prrsident-elect BBM, maiahon agad ang bansa sa krisis dulot nga ng COVID-19.

Ngunit kailangan din kasi ng Pangulo ang tulong ng mga mambabatas pagdating sa paglikom ng pondo.

Kailangan din ng tulong ng Palasyo ng Senado hinggil sa patuloy na problema sa West Philippine Sea.

At dahil hindi pa tayo libre sa nakamamatay na virus ng COVID, kailangan din ang pagbalangkas ng batas sa gagawin ng pamhalaam sa mga darating na taon kung mananatili pa ang virus sa mundo ng matagal na panahon.

Hindi magiging madali ang trabaho ng mga senador sa susunod na sesyon dahil ang problema sa pandemic and economic recovery ay isang malaking problema na.

Nariyan din ang patuloy na problema sa climate change, ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin dahil sa ukrain war at iba pa.

Ngunit ang kainaman ng ating senado ngayon, magiging kaalyado ito ng Marcos administration kaya magiging madali ang pagpasa ng mga priority projects ng Palasyo.

AUTHOR PROFILE