Default Thumbnail

Ping swak sa Defense

June 7, 2022 People's Tonight 273 views

Mario FetalinoWALA pang bagong kalihim para sa Department of Defense.

Kung ako si elected president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, hindi nako magpapakirap pa sa kakahanap ng kanyang Defense Secretary.

B’at ‘di niya kunin si dating senador Panfilo ‘Ping’ Lacson? Oo, nagkatunggali sila nitong nakaraang presidential elections pero walang nang katuturan ‘yon.

Ang adbokasiya ni Marcos ay unity at angkop dito ang pagkuha niya kay Lacson bilang Defense Secretary.

Why Lacson? Easy to answer. Si Lacson ay matapang, magaling, matapat, matuwid, maabilidad, at may malalim na karanasan bilang otoridad sa seguridad ng bayan.

Nagpapahinga lamang sa kanyang farm sa Silang, Cavite si Ping. Nakakatiyak ako na hindi niya tatanggihan ang isang alok upang muling magsilbi sa taumbayan.

Lagpas anim na buwan na ang nakalilipas nang turukan ako ng booster laban sa COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, humihina ang epekto ng anti-COVID-19 vaccine pagkatapos ng six months.

Ibig sabihin, kailangan na akong magpaturok ng booster.

Pero magpahanggang ngayon ay hindi malinaw sa mga mamamayan kung saan at paano maturukan ng pangalawang booster.

Sana ay naipapaalam ng gobyerno ang sagot sa mga tanong ng ordinaryong Pilipino ukol sa pagbabakuna.

Halos dalawang taon na tayong nakikipaglaban sa pandemya. Dapat lamang na dalubhasa na tayo sa mga bagay na may kinalaman sa pagbabakuna.

Malakas ang pagtutulak kay National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa bilang kapalit ni current Health chief Dr. Francisco Duque.

Nasa likod ni Herbosa ang Philippine Medical Association, ang pinakamalaking samahan ng mga doktor sa Pilipinas.

Kung si Herbosa ang pipiliin ni Marcos, sana ay mapagtuunan niya ng pansin ang pagpapabuti ng vaccination program.

Kung hindi, nakatitiyak ako na matatagalan pa bago makaalpas ang Pilipinas sa kuko ng pandemya.

Congratulations kay Atty. Jesse Andres na naitalagang Undersecretary sa Department of Justice.

Nakasisiguro ako na malaki ang maitutulong ni Andres kay DOJ Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla upang maihatid ng ahensiya ang de kalidad na serbisyo sa sambayanang Pilipino.

Bukod sa pogi, maaasahan si Andres ng DOJ dahil na rin sa kanyang malawak na karanasan sa usaping ligal at paghahatid ng hustisya para sa ating mga mamamayan.

Good luck and may the force be with you Usec. Andres!

For comments, please call or text 09569012811 or email [email protected]

AUTHOR PROFILE