Default Thumbnail

Mandatory bang bukas ang headlights pag 6 p.m. na?

April 26, 2021 Jun I. Legaspi 345 views

MERON po bang traffic rule na mandatory na bukas na ang headlights ng mga sa sasakyan pag 6 p.m.?

Ito ang tanong ng transport group sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa grupo, personal nilang ipinararating sa MMDA ang kanilang panawagan para na rin sa kapakinabagan ng lahat.

Ayon sa members ng transport group, may mga enterprising MMDA traffic personnel sa Cubao, Quezon City na naninita at nanghuhuli ng mga motorists.

Nang tanungin ng mga sinita at hinuhuli kung anong ang kanilang “violation”, ang sagot umano sa kanila at 6 p.m. na pero naka-off pa daw ang kanilang mga headlight.

Nang tanungin ng isa mga sinita ng traffic enforcers kung merong ganitong existing traffic rule, walang masabi at maipakita ang enforcer.

Sinabi umano ng nanghuhuli na pag 6 p.m. na, dapat mandatory on na ang headlight kahit maliwanag pa.

Mariing nanawagan ang transport group kay Department of Transportation Secretary Art Tugade at Assistant Secretary at Land Transportation Office Chief Edgar Galvante na maglabas ng malinaw na policy tungkol sa issue dahil inaabuso umano ito ng ilang enforcers at nagiging sanhi na pagtatalo sa kalsada.

“Eh wala naman kaming makitang provision sa Republic Act 4139 tungkol sa pagbubukas ng headlight pagpatak ng 6:00 pm. kahit maliwanag pa,” saad ng transport group.

AUTHOR PROFILE