
Maja, may pasaring sa paglayas sa ‘Bulaga’
MAY pasaring pa talaga si Maja Salvador sa inilabas na official statement ng kanyang Crown Talent Management kaugnay ng pansamantalang pag-iwan niya sa Eat Bulaga. Kasal ang idinahilan ni Maja sa paglayas sa Bulaga.
Pero may sinabi si Maja sa statement na “uncertainties” sa programa pero wala namang detalye.
Nagpasalamat lang siya sa opportunity na maging bahagi ng Bulaga.
Base sa statement ni Maja, may nangyayari ngang issue sa noontime show. Pero walang nagmula pang pahayag ang EB management,
Waiting nga ang mga tao sa April 15 deadline na sinasabing announcement kaugnay ng EB.
Sa ngayon, lumitaw muli ang Kapuso Sparkle artist na si Bianca Umali sa show. Gayundin si Miles Ocampo na talent ni Maja. Lumusog si Miles pero resulta raw ng paggagamot niya ‘yon.
Ilang araw na ring hindi namin nakikita si Maine Mendoza sa show pero sina Tito, Vic and Joey, napapanood pa sa Bulaga at Dabarkads na sina Ryan Agoncillo, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
SPECIAL EDIT
BILI na ba kayo ng tickets para mapanood at ma-feel ang cinematic experience ng Voltes V Legacy sa April 19 sa SM cinemas.
Bago mapanood sa TV, mapapanood ang special edit ng first three weeks episode ng Voltes V sa sinehan.
Nakakatuwa dahil pati mga GenZ ngayon, sabik ding mapanood ang Voltes V sa sinehan, huh!
Para sa tickets, puwede itong makuha sa SM Cinema app, SM Cinema ticket booths at sa bitly/VoltesVAtSMCinema.
Bili na at baka maubusan kayo!