
Maine Mendoza ‘greatest asset’ ang ermat — Lolit Solis
HANGA ang beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis sa ina ng TV host-actress na si Maine Mendoza.
Sa Instagram page ng kolumnista nitong Miyerkules, Disyembre 20, ibinahagi niya ang kuwento kung paano ang ginagawa ng ina ni Maine na si Mary Ann para mahalin umano ang ‘E.A.T.’ host ng mga writers sa showbiz.
“Alam mo Salve hanga ako sa mother ni Maine Mendoza,” sey ni Lolit.
“Mula pa nuon na hindi yata alam ng anak na si Maine, gumawa na ng way ang mother niya para mahalin siya ng mga writers sa showbiz. Nuon pa pag Pasko nag o order na siya kay Grace ng Anabels para sa mga writers na puwede nila bigyan ng regalo. Kaya naman nakakatuwa dahil talagang supportive siya sa career ng anak niya,” dagdag pa niya.
Saad pa ng showbiz columnist, nirerespeto niya ang ermat ni Maine dahil sa “mother love” na ibinigay nito sa TV host-actress.
Tinawag din niya itong “greatest asset” ni Maine.
“I respect her way of showing her love to her daughter Maine Mendoza. Iyon mother love na iyon very precious. We salute you mommy, you are the greatest asset of Maine Mendoza,” wika ni Lolit.