Nasabat Pinuri ni (The Game Changer General ) MPD Director PBrig.Gen. Andre Perez Dizon (kanan) ang himpilan ng MPD Station 3 sa pamumuno ni P.Lt.Col.Ramon Czar Solas dahil sa patuloy na pagpapairal ng Oplan Galugad at Simultanious Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).Nakamasid naman si PCol.Raul Tacaca, MPD-DDA. Kuha ni JON-JON C. REYES

Mahigit P.8M halaga ng shabu nasabat ng MPD, 5 timbog

February 5, 2023 Jonjon Reyes 610 views

TINATAYANG aabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa target na suspek sa isinagawang drug operasyon kung saan nadamay ang apat na buyer nito sa Oroquieta St. malapit sa panulukan ng Doroteo Jose Streets, sakop ng Barangay 301, Sta.Cruz, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, Manila Police District – Sta.Cruz Police Station 3 commander, ang suspek na si Bryan Noquiz, 30, binata, kaanib ng Sputnik Gang , tricycle driver at residente ng Bulacan Street, Sta.Cruz, Manila.

Nadamay din ang apat na parukyano nito na sina alyas ” Loyd” 43 ; alyas ” Ann”, 37, dalaga ; alyas “Noel”, 40 , kaanib ng Batang City Jail ( BCJ) at isang alyas ” Jerly” 41, dalaga.

Base sa ulat ni Police Executive Master Sargent Rommel Rey, lider ng Team Swabe, ng Station Drug Enforcement Unit ng Station 3 , bandang 12:35 a.m. nitong Sabado nang ikasa ang buy-bust operation sa nasabing lugar.

Isang P500 bill na marked money ang ginamit sa pagbili ng isang nagpanggap na buyer bago natiklo ang suspek. Nang magkabayaran sa biniling droga at mag positibo ang operation, dito dinamba at pinosasan ang suspek ng mga operatiba sa pangunguna ni PEMS. Rey kasama sina PCpl Jason Magpantay; PCpl. Allan Apostol; PCpl Jeffrey Castillo; PCpl. Anthony Bernal; PCpl. Roger Soria at PCpl. Rudvian Manlapas .

Nakitaan ang suspek ng apat na bultong hinihinalang shabu na nasa 180 gramo na may street value na P884,800. Kasama ni Noquiz ang apat nitong parukyano nang bitbitin sa presinto.

Pinoproseso ni Police Corporal Dan Lyndon Cacanindinmay hawak ng kaso ang mga dokumento para isailalim sa Inquest Proceeding ang lima na nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive of Dangerous Drug of 2002).

Samantala, agad na nagpaabot ng papuri at pasasalamat sa grupo ng SDEU ng Station 3 si (The Game Changer General) MPD- Director Police Brigadier General. Andre Perez Dizon sa patuloy na pinaiiral na Oplan Galugad at Simultanious Anti – Criminality Law Enforcement Operation. (SACLEO).

AUTHOR PROFILE