Default Thumbnail

Magsasaka timbog sa tangkang panggagahasa

October 18, 2022 Gil Aman 316 views

NAUDLOT ang tangkang panggagahasa sa isang ginang na namimitas lamang ng gulay makaraang maaresto ng pulisya ang magsasakang suspek dahil sa pagdating ng isang tao sa Barangay Daniw, Liliw, Laguna Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek subalit agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ng pulisya na residente sa naturang barangay.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, tinangkang gahasain ng magsasaka ang biktima dakong alas 9:30 ng umaga.

Ang ginang ay nagtungo umano sa gulayan na nagawang masundan ng suspek matapos mamitas ng gulay sa isang bakuran.

Subalit habang pauwi na ang biktima ito ay inalok diumano ng suspek na siya ang magdadala ng basket na tinanggihan ng biktima.

Bigla na lang umano niyakap ng suspek ang biktima hanggang sa masakal ang leeg at mahubaran ito ng suot pants at damit panloob.

Ayon sa pahayag ng biktima sa pulisya, sapilitang ipinasok ng suspek ang daliri sa kanyang maselang parte ng katawan.

Hindi naman inaasahan ng suspek ang paparating na tao sa lugar kung kaya’t dali-dali itong nagsuot ng hinubad na short pants saka mabilis tumakas.

Naaresto ang suspek sa Pila, Laguna at sasampahan ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE