Crime

Magsasaka inararo ng bala

August 30, 2023 Bernard Galang 142 views

ISANG nawawalang magsasaka ang natagpuang patay sa mga tama ng bala sa katawan sa bangin sa Bgy. Dimabuno, Dipaculao, Aurora.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng hepe ng Dipaculao police na si Maj. Michelle Paulino ang biktima na si Deomedes Nidoy, 58, ng Purok 1, Bgy. Mucdol, Dipaculao, Aurora.

Sinabi ni Paulino na umalis ang biktima sa kanilang bahay sa Bgy. Mucdol sakay ng motorsiklo para bisitahin ang kanyang taniman ng niyog sa bulubunduking bahagi ng Sitio Bisek, Bgy. Dimabuno, subalit hind na ito nakauwi.

Nagpasya ang pamilya ng biktima na hanapin siya ngunit habang nasa sa daan ay nakita nila ang motorsiklo ng biktima at kalaunan ay natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima sa bangin.

Humingi sila ng tulong kay barangay captain Randy Paborian, na siyang nagpaalam sa pulisya.

Sa paghahanap, natagpuan ng pulisya malapit sa katawan ng biktima ang isang .45 na bala at apat na basyo ng bala.

Sinabi ni Paulino na nag-iimbestiga na sila upang matukoy ang suspek at ang motibo sa likod ng pagpatay.

AUTHOR PROFILE